Chapter 51

1.5K 29 3
                                    


another chapter.
we're at the leak of this story.
i hope you liked the story i made.

thank you in advance for the votes and comments.

------------------

XIAN'S POV

5 days had passed.

nandito parin si ate sa hospital.

oo, siya ang nandito imbes na ako.
sa totoo lang, hindi ganoon kalala ang pinsalang natamo ko.

bugbog lang, mga pasa at kaunting sugat.

pero si ate, halos mag agaw buhay siya dahil sa sobrang daming nawalang dugo sakanya.

noong araw na dalhin kami dito,
mabilis na inasikaso kami.

nilapatan agad ng paunang lunas ang mga natamo ko.

habang ginagawa yun, pinagmamasdan ko ang pag salba nila sa ate ko.

sobrang putla na niya. para siyang uminom ng isang litrong suka.
ang puting rubber shoes niya ay kulay pula na ng dahil sa dugo.

ang puting T-shirt niya ay kulay pula na ang kalahati dahil sa braso niya.

nakita ko kung paano nila pinilit na patigilin ang lag durugo ng braso at paa ni ate.

napansin ko rin ang kulay pulang untiunting kumakalat galing sa kaliwang tagiliran niya.
may sugat rin siya doon.

sobra akong nanghina sa nakita kong iyon.

halos wala ng buhay ang ate ko sa harapan ko.

wala akong magawa kundi ang tumingin at tumitig sakanya.

pero matapos ang ilang oras, natapos na ang pagdurugo ng mga sugat niya.

lumuwang ang paghinga ko ng dahil doon.
kahit papaano ay naging maayos na siya.

nilipat kaming dalawa sa iisang kwarto. request ko narin.
para kahit sa ganoong paraan, mabantayan ko ang ate ko.

ang ate ko na pumoprotekta sa pamilya namin. saakin at sa ate kong si Sapphire. minsan napaka sungit niya at walang pakealam sa kahit na sino. mahilig mag tago ng emosyon. pero sa lahat ng tao, siya ang matatakbuhan mo sa oras ng kagipitan. siya ang unang unang tutulong sayo. kahit busy at maraming ginagawa, tutulungan ka parin. kahit kapalit ang buhay niya tutuling parin siya.

gaya nito.
alam ko naman na darating siya dahil sa nangyare saakin.
pero hindi ko akalain na talagang itataya niya ang buhay niya para saakin.

payapang natutulog ang ate ko sa kama niya.
hindi alintana ang mga pasang natamo niya.

" hon, baka matunaw si ate. " bulong ng gf ko.

nginitian ko lang siya at lumapit sa ate kong natutulog.

" ate.. gising na. " bulong ko.

5 araw narin siyang walang malay.

ang sabi ng doctor, dahil raw yun sa malakas na pag tama ng isang bagay sa ulo niya.

kahit ang mga kasama niyang lumaban ng araw na iyon ay hindi alam ang nangyare nayun.

sila Mommy at Daddy ay araw araw dumadalaw dito.
pero may isang tao na simula ng dalhin si ate dito ay hindi parin umuuwi.

I'M A GANGSTER ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon