here I come!!!
enjoy guys!!---------------
OJI POV
nandito na kami sa hospital..
nasa emergency room siya ako nag hihintay dito sa labas.mayamaya lang din ay nilipat siya sa private room.
tulog siya ng ilipat sa kwarto.
bakit ba kasi napaka pasaway ng babaeng to?
gustong umalis kahit hindi na maganda ang pakiramdam.ngayon, dapat kong tawagan sila mom.
" Oji!! "
nagulat ako ng biglang pumasok si mom ng naka sigaw." mom.. tatawagan ko palang sana kayo.. paano niyo po nalaman na nandito kami? " tanong ko
" sabi ng maid niyo sa mansion. sakto kasi na ang pag dating ng sasakyan namin ang pag pasok mo sakanya sa sasakyan. kaya tinanong ko kung saan ka pupunta. ang sabi niya, baka nga daw sa hospital dahil nakita nilang nahimatay ang anak ko. ano daw ang findings? " mahaba niyang paliwanag.
" mom, wala pa po. maya maya pa raw po malalaman. " magalang na sabi ko.
iginaya ko siya sa upuan malapit kay Em..
ngayon, eto kami nag hihintay sa doctor ni Em.
" tumataba ang anak ko ah. hiyang ata sayo Oji.. " dinig kong sabi ni mom
" ah.. hehe.. ang takaw naman po kasi niya mom eh. kung ano ano kinakain. kaya ayan. " sabi ko nalang.
" ganun ba? buti nga ito at nagkakalaman na siya. hindi naman sa ayaw kong sexy ang anak ko ah. mas maganda nga siya oh pag medyo chubby " tuwang tuwa na sabi ni mom.
oo nga, mas naging maganda siya at blooming.
napalingon kami ng may kumatok sa pinto.
" good morning ma'am, sir. ako po ang nag examined kay Emerald kanina. " bungad ni doc.
" yeah. yeah. come in doc. " sabi ko at mas binuksan ang pintuan para makapasok siya.
" thank you. " aniya
" doc, ano po ang findings sa anak ko? bakit siya hinimatay? at namumutla siya. " alalang sabi ni mom.
" wag po kayo mag alala Mrs. wala naman pong kahit anong masamang nangyare sa anak niyo. maliban po na buntis siya. " casual na sabi ni doc.
buti walang kung ano.
pero sabi ni doc..." wait doc, ano ulit yun?? " / " wait, what? "
halos sabay namin na sabi ni mom." congratulations, she's pregnant. " sabi ni doc at kinamayan ako.
shit..
totoo?" oh my god!!! " bulalas na sabi ni mom at niyakap ako.
" I'm so happy.. I'm so happy. " sabi pa niya.
" ibibigay ko ang record niya sa OB. para mas maexamine kung ano ang kundisyon niya at ng bata. " sabi ng doctor bago umalis.
" you're going to be a dad!! " tuwang tuwa na sabi ni mom.
lumapit siya kay Em at hibalikan sa noo.
ako eto, shock parin sa balitang hinandog ng doctor.
" Oji!! compose yourself!! hindi ka ba masaya?? " baling ni mom.saakin.
" mom.. I'm going to be a dad.. (mahinang sabi ko) I'm going to be a dad!!!!! yes!!! hhooo!!! (sigaw ko) "
sa pag sigaw ko yun, tumalon pa ako at paikot na tumakbo sa kwarto.
BINABASA MO ANG
I'M A GANGSTER ( completed )
Novela Juvenila story about a gang... fights... love... a girl named EMERALD EISENHOWER is the one who leads... please read this story and know all