"Carlo! Gising na tanghali na. Malalate ka na. Diba may patimpalak pa kayo mamaya? Bumangon ka na" Pasigaw na tawag ni Marie.
"5mins pa Ma! Maaga pa......... Hala! Anong oras na pala kailangan ko nang kumilos" Ayaw pang bumangon ni Carlo pero nung tinignan niya ang orasan agad siyang bumangon para mag ayos ng sarili. Medyo antok pa si Carlo pero natandaan niya na siya ang nangunguna sa kanyang klase.
"Lalalala pap para pa pa pa laaaaaaa." Kumakanta si Carlo habang naliligo.
"Haaaaayyy! Sarap talagang maligo." Bakas sa muka ni Carlo ang ginhawa nang matapos niyang maligo.
"Nasan ang damit ko? Nasan ang damit ko?" May halong tono ang paghahanap niya ng kanyang damit.
"Hule ka! Jan ka lang pala nagtatago." Nung nakita na ni Carlo ang kanyang damit, ito'y sinuot na niya at lumabas na ng kanyang kwarto.
"Ma! Baon ko po" Ang isang bagay na hindi makakalimutan ni Carlo tuwing umaga.
"Oh ito anak. Magtipid ka ha." Masayang inabot ng kanyang ina ang baon ni Carlo.
"Salamat po! Una na po ako." Halata sa muka ni Carlo ang saya nung binigyan siya ng baon.
Pagdating sa kanyang silid aralan halatang busy ang kanyang mga kaklase. "Uy! Ano ginagawa niyo?" Tanong ni Carlo sa kanyang kaklase na si Roy.
"Gumagawa kami ng props na para gagamitin sa patimpalak mamaya" Sagot ni Roy kay Carlo.
"Ganun ba? Sige, tulungan ko na rin kayo." Umupo siya sa upuan at nag gupit ng mga papel.
Makalipas ng ilang minuto mayroong lumapit kay Carlo. "Carlo! Tara kakain" May biglang sumigaw sa kanyang likod.
"Pucha! Ikaw pala yan Jeff Bakit kailangan mong sumigaw? Nasa bundok tayo? Sa Bundok?" Galit na pasigaw din ang sabi ni Carlo kay Jeff.
"Bakit ka rin nasigaw? Nasa bundok tayo? Sa Bundok?" Sagot ni Jeff kay Carlo. "Ewan ko sayo!" Galit na galit na sabi ni Carlo kay Jeff.
"Sorry na oh. Joke lang yun ano ka ba? Hindi ka naman mabiro jan eh." Sabi ni Jeff kay Carlo habang nakaakbay siya kay Carlo.
BINABASA MO ANG
Love Disease
RomanceAng storyang may simpleng romance ngunit puno ng aral sa buhay.