Tulad ng napagusap ng magkakaibigan ay Naghanda na si Mika para sa kanilang lakad nagsuot nalang ito ng fited na vneck plain white blouse at maong short short. At nagsuot ng white adidas shoes. Gusto niya simple lang siya. Hinayaan niya nalang ang kanyang natural hair na ilugay.
Tapos na niyang ayusin ang kanyang sarili ng tumunog na ang Doorbel ng Condo niya. Sakto naman ang dating nila 7:30 na. Kaya naman sinuot na niya ang mini body bag niya at tinungo ang Pinto ng Condo niya. Pagbukas niya nito ay bumungad ang kanyang pinsan na napakasexy nito sa suot na overall sleeveless floral blue dress Simple but Sexy.
Cienne: lets go cous. Hindi na umakyat si Kim. Susunduin lang naman kita.
Nakangiti nitong sabi sa pinsan. Hangang hanga parin si Cienne sa napakasimpleng pagdala ng pinsan sa sarili. Tulad niya ay Simple but Sexy. Pagkatapos siguraduhin ni Mika na nasa safety na ang Condo niya ay bumaba na din sila.
.
.
.
.
.
.
Mika's POV
Nakarating kami sa pinagusapang Bar. High end Bar ito. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar. Masasabi ko naman na talagang pangmayayaman ang mga nandito. At pang mayayaman ang lugar. Kaso ang ingay. ang dilim. ang usok. amoy alak. Nasusuka na ata ako sa naamoy ko. May mga tama na ang mga tao dito. May nagsasayawan na sa dance floor. Yung mga Girls wala na silang pakealam kung nahihipuan na sila. Kung manamit naman kasi sila kulang nalang ipakita na nila ang katawan nila. Puro kulang sa tela e. Ang wild.
Hila hila lang ako ni Cienne papunta sa mga kaibigan nito na nakaupo sa Harap. Malapit sa stage? May live Band pala dito. Masasabi kong pang VIP ang mga table malapit sa stage. Round couch kasi ang mga nandito. Marami ng tao. Nang makalapit kami sa Table kung saan kami pupwesto ay may naghihintay na samin. Dalawang babae at isang lalake.
Carol: Salamat naman at nandito na kayo.
Cienne: Traffic eh.
Nagbeso beso na sila. At nagfistbump lang si Kim at yung lalaki. Tinignan naman ako ni Cienne.
Cienne: Siya nga pala. Cous this is Carol Anne Cerveza. My beautiful cousin Mika Aereen Reyes.
Pakilala ni Cienne sa isang babaeng maganda at ang puti. Nginitian niya ako ng matamis. Nginitian ko din siya.
Mika: Hi. Mika nalang.
Alok ko ng kamay ko.
Carol: Carol.
Nagshakehands kami at Nagbeso.
Cienne: This is Kiana Dy. and her boyfriend Marc espejo.
Pakilala niya sa dalawang magjowa. Halata naman eh. Nakaakbay si Marc kay kiana. Nginitian ko sila. Nginitian din naman nila ako.
Mika: hello.
Nagbeso kami ni Kiana. At nagshakehands naman kami ni Marc.
Carol: Teka si Vic?
Tanong ni Carol saamin. Umupo na kami dati na silang nakaorder ng iinumin. Ang dami. Di ko alam kung anong inumin ang mga to. Hindi pa ako nakakainom ng alak.
Kim: as usual wala pa. nanjan lang yan sa paligid. . Umpisahan nalang natin.
Binuksan na ni Kim ang Malaking Bote at nilagyan ang 6 na baso na malilit. Anim kami dito. So iinom ako.
BINABASA MO ANG
Fallen (Mika Reyes Vic Galang)
FanfictionMika wants a simple life with her family. Babaeng sobrang matulungin matalino mabait simple at mahinhin. Iniisip ang iba kesa sa sariling kapakanan. Masiyahin at Inosente. Ang babaeng may malaanghel na mukha na bibihag sa isang taong Matigas pa sa b...