Mika's POV
Pagkatapos kong ihanda ang table set ng Boss ko. Table set? Kaya nasabi kong table set. kasi dapat pagdating niya kompleto ang lahat ng kailangan niya sa table niya. Lahat.
After kong iprepare ang lahat. Gumawa na din ako ng coffee para sakin.
After kong sinigurado lahat bumalik na ako sa desk ko para umpisahan ang trabaho ko. And time check its 7:20.
wala pa si Boss mukhang late siya ngayon ah. Kasi mga ganitong oras dapat nandito na siya.Inumpisahan na ng dalaga ang nakalaang trabaho sakanya. Siguradong masusunog nanaman ito ng kilay sa dami ng itinambak sakanyang paper works wala pa naman itong matinong tulog.
Kasalukuyan itong nageedit ng paper works ng bumukas ang main door ng opisina.
Iniluwa non ang Boss niya na may kasunod na Mestisang babae na nakared fited dress na nagpalitaw ng kasexyhan. Mukha itong model ng FHM. Hindi lang sa ganda ng mukha at ayos ng buhok na nakasemiCurl. Kundi dahil sa pagdadala nito sa kasuotan.
Tatayo palang sana para bumati si Mika pero mukhang nagmamadaling pumasok ang dalawa sa opisina. Kaya wala ng nagawa si Mika ng sumara na ang pinto at nasa loob na ang Boss at ang kasama nitong Sexing babae.
Bumalik nalang sa ginagawa si Mika.
kring....kring....kring....
Tunog ng puting telepono na ibig sabihin ay hindi ang Boss ang tumatawag.
Mika: Good Morning this is Mika Reyes office of the CEO. How may i help you?
Kim: Good Morning Miss Mika. This is Kim. nanjan ba Boss mo? di niya sinasagot tawag ko eh.
Napabuntong hininga si Mika ng magpakilala ang tumatawag. Hindi ito mahihirapan sumagot sa tanong nito at hindi na nito kailangang maging formal.
Mika: Yeah. Nandito siya.
Kim: Pakisabi nalang na may importante akong sasabihin. Hindi ako makaalis dito eh. I have a meeting.
Mika: Ah. may kasama kasi siya sa loob. Babae na maganda at sexy.
Narinig ni Mika ang mahinang pagtawa ng nakakaloko ni Kim.
Kim: Ah. Si Cassandra lang yun. Sabihin mo na.
Mika: Pero Baka may importante silang pinaguusapan.
Pagaalinlangan ni Mika. Mamaya kasi nito ay magalit nanaman at mapagsalitaan nanaman siya ng Boss..
Kim: Mika. Importante ito.
Wala ng nagawa si Mika. Pagkatapos ng tawag ay tumayo ito sa harap ng pinto ng Boss. At iniready ang sarili.
Tok! Tok! Tok!
Hindi ito bumubukas.
Tok! Tok! Tok!
Hindi parin ito bumubukas.. Hanggang sa pangatlong pagkatok nito ay hindi parin bumubukas. Kaya binuksan na lamang nito ang pinto. Hindi naman iyon nakalock.
Mika: Excuse m----
Hindi na nito natapos ang sinabi dahil sa nakita. Nanlaki ang mga mata nito ng makitang Busy naman pala sa pakikipaglaro ang Boss sa Babaeng kasama kaya hindi na nagawang makasagot o makarinig man lang ng katok. Nakaupo sa swivel chair ang Boss na bukas na hanggang gitna ang polo nito at nakaupo ng paharap sakanya ang mestisang babaeng kasama na nakababa na ang strap ng Dress na suot and they are torridly kissing.
Naitulak ni Vic patayo ang babaeng kanikanina lang ay nakakandong sakanya. Gulat din ang mga ito na may nakakita sakanila sa ganoong posisyon.
BINABASA MO ANG
Fallen (Mika Reyes Vic Galang)
FanficMika wants a simple life with her family. Babaeng sobrang matulungin matalino mabait simple at mahinhin. Iniisip ang iba kesa sa sariling kapakanan. Masiyahin at Inosente. Ang babaeng may malaanghel na mukha na bibihag sa isang taong Matigas pa sa b...