Nine

95 3 0
                                    

Paos at masakit ang Lalamunan ni Mika na pumasok sa trabaho. Hindi kasi ito tumigil na sumigaw kapag nakakapuntos si Gab sa laro nito kahapon. Nanalo ang Team nila Gab at MVP ang Bata kaya sobrang saya ni Mika para kay Gab. Alam ni Mika na hindi ganon kasaya ang bata dahil inaasahan nito ang pagdating ng ama. Pero ni anino ng ama nito ay wala. Patapos naman na ng Game dumating ang magasawang Kim at Cienne. Naglunch sila pagkatapos ng game nito. Kaya kahit papaano ay naging masaya si Gab.

Inayos na ni Mika ang table ng Boss niya at Nagtimpla sa pantry ng Coffee nito. Paglapag niya palang ng coffee sa table ng boss niya ay bumukas na ang pinto at iniluwa non ang Boss niya.

Mika: Good morning Boss.

Walang boses nitong bati. Ngunit parang wala itong narinig. At nagtuloy tuloy lang itong umupo at binuksan ang Laptop.

Aalis na sana si Mika para bumalik sa office nito ng tawagin siya ng Boss niyang singlamig pa ng Alaska.

Vic: Mika!

Mika: Boss?

Baling nito agad dahil sa pasigaw na tawag nito sa pangalan niya.

Vic: Nasan yung mga pinapatapos kong Reports sayo!?

Sabi nito ng galit. Habang hinahalungkat ang mga folders na nasa mesa at hinahanap ang reports ng kanyang sekretarya. Nang hindi niya ito mahanapan ay Tinignan siya nito ng masama. Napalunok nalang si Mika sa tanong ng Boss. Hindi niya pa kasi iyon tapos ni hindi pa ata niya nangangalahati.

Mika: B-Boss.. Hi..Hindi pa po tapos. P-pero ta-tatapusin ko na po yun.

Utal at may takot na sabi nito. Galit ang Boss nito kaya ang nasa isip nalang nito konting kamali lang niya ay baka kainin na siya ng buhay.

Vic: I need it tomorrow morning!! Tapos hindi mo pa tapos!? Ginagawa mo ba talaga trabaho mo!?  Alam mo ang rules ko dito right!!? Just tell me if you cant do my rules!! Then your free to Leave!!!. Hindi ko kailangan ng tatanga tanga dito!!

Sigaw nito na galit na galit. Takot na takot parin si Mika dito at hindi lang takot ang naramdaman nito. Nasaktan siya hindi man direct na sinabi ay ganon na rin yun na tinanga siya ng Boss. Ngayon niya lang naEncounter ang ganitong ugali ng Boss. Ang alam niya lang ay suplado at parang walang pakealam sa mundo at tao ang Boss niya. Ngayon napapatunayan na niya na tama ang balibalita na ganito siya. Dahil napakasungit nito at kapag nagalit ay matatakot kang talaga. Pero nanaig parin ang damdamin ni Mika na magpakatatag para sa pamilya niya. Malaki na ang kikitain niya sa kompanyang ito. Kaya ang nasa isip lang nito ay pagtiyagahan lang ang napakasungit niyang Boss.

Mika: S-Sorry po Boss. Tomorrow morning ill give it to you. sorry po ulit.

Malumanay at walang boses nitong sabi at nakayuko pero sapat lang para marinig ng Boss. Kahit naluluha na ay pinilit niyang patatagin ang sarili. 

Vic: Okay. Kasi sa susunod na pumalya ka sa mga reports mo at mga pinapagawa ko at ng kompanya sayo maghanap ka na ng bagong trabaho. Get out! Bumalik ka na sa trabaho mo!

Padabog itong umupo sa swivel chair. At halos magkadugtong na ang kilay sa sobrang kunot nito. Sobrang mainitin na ang ulo ni Vic dahil sa kompanya. Marami siyang kailangang ayusing paper works. Gusto niyang maging satisfy ang kanyang mga investors para manatiling nasa taas ang kompanya. Subsob na ito sa trabaho. Ayaw niyang pumalya pagdating sa kompanya. Kaya hindi na nakakapagtaka na patuloy parin ang pagangat ng Galang Corporation at siya bilang The Bachelor. Kaya lahat ginagawa niya para sa kompanya kahit pa mapahiya na ang mga empleyado niya wala na siyang pakealam. Nagsimula lang ito ng mawala ang asawa.

Fallen (Mika Reyes Vic Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon