Finding Ways 8 "As time Pass?"

11 1 0
                                    


"Nics? Tara na!!. Bilisan mo naman dyan. Kahit kailan ang bagal bagal mo talaga kumilos. Papagalitan na naman tayo ni sir Tokicker." Nakapamewang na sabi ni Joice.

"Joice pwede ba!! Nagmamadali na nga ako, pinepressure mo pa ako!" Sabi ni Nica.

"H....hhh.." Joice covering her mouth trying to suppress her laugh. Joice enjoyed pestering her. Especially when they are in a hurry.

Hindi alam ni Nica kung ano ang uunahin kapag minadali siya. Mas lalo siyang napepressure at ang pinakamamahal niyang shampoo nag eenjoy kapag hindi niya na alam kung ano ang gagawin.

"Nics? Ilang minuto na lang oh." Sabay turo pa sa wallclock ng boarding house nila.

"Shampoooooo! Ano baa! Pwede ba tumahimik ka dyan." Singhal niya dito.

Napatawa lang si Joice.

Pagtingin ni Nica sa wallclock...

"Walang hiya ka talaga shampoo kaaa!!! Nadale mo na naman akoo!" Sabi niya sabay tapon ng suklay kay Joice. "Kahit kailan talaga ang babaeng ito." Himutok niya sa sarili.

"Anong ilang minuto na lang ang pinagsasabi mo dyan shampoo?! Eh halos isang oras pa bago ang klase natin!" Singhal ni Nica sa napapabungisngis na kaibigan.

Tawa ang isinagot nito sa kanya. "Grabe Nics, ang saya mo talagang madaliin." Tawa pa din nito.

Ganito ang ginagawa ni Joice every Monday and Wednesday. Tulog si Nica tuwing hapon at gigising kapag 5-10 minutes na lang at nalelate na sila.

Laging minamadali ni Joice si Nica tuwing klase nila sa Ncm 104. 2pm-5pm ang klase nila. Vaccant sila by 12-2pm kaya ang ginagawa ni Nica ay iidlip kahit panandalian lang.

She had been a working student since firts year college. She worked on Tuesday and Thursday in a coffee shop from 5:30 pm to 7pm then by 7pm to 10pm lilipat siya as cashier sa mini convenience store. Isang building lang ang store. Bale ang kabila niya ay convenience store na extension nito ay coffee shop. The store is accessible to the boarding house where they stayed, since walking distance lang ang layo nito.

After awhile, they are on their way to school for NCM104 class.

"Aaggh! Makikita ko na naman si Mr. Tokicker." Reklamo ni Nica.

Tokicker ang tawag nila sa NCM104 instructor nila. Actually his surname is Torres. Since lagi niyang nahuhuli si Nica na nakakaidlip sa klase sinisipa nito ang bangko ni Nica para magising kaya binansagan nitong kicker. Pinagsamang Torres at Kicker. Pati na ang ibang classmate niya yun na din ang tawag sa kanya.

"Okey lang yan Nics, mahal ka naman si Mr. Tokicker." Sabi pa ni Joice na natatawa.

Laking pasalamat niya na hindi siya dinadrop sa klase kahit nakakaidlip paminsan dala na din ng pagiging working student. Major subject pa naman ito.

Nakakaidlip siya kapag ginigising ni Joice ng maaga. Kahit 2pm pa ang klase nila. Ginigising siya nito kapag tinotopak ito at siya ang napagtrip an.

"Hi guys, good afternoon." Bati pa ni Joice ng makarating sila sa room.

"Good afternoon." Bati ng iba.

"Uy Nics, huwag ka na naman iidlip ha." Biro pa ni Jason isa sa mga classmate nila.

Inirapan niya lang ito.

As usual ang ingay ng mga classmates nila. May mga nag make up session since hindi umuuwi sa bahay ang iba kapag noontime. May mga nag chismiss, yung iba may sariling mundo. Kalayat din ang mga armchairs. 42 sila sa set. They have 13 boys and the rest are girls. Pati ang ibang boys nakikisali din sa make up session. One of those she is thankful. They have unity in class. Kung ano ang trip ng isa makikisali din ang iba. Tulad na lang kapag magpapalibre sa intructor nila sa PE noong first year pa lang sila. Magsasabi pa in chorus.

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon