Finding Ways 13 "Gonzales Boys"

21 1 0
                                    

"Nicaaaaaaaaa!"

Naalimpungatan si Nica sa sigaw. Ibinukas niya ang kabilang mata at tiningnan ang orasan.

"3:30 pa lang ng hapon. Tapos ang iiingaaaay." Tinatamad na bulong ni Nica.

"Nicaaaaaaaaa! Buksan mo ang pintooooooo!"

"Na.ka.bu.kas yan. Hin,di yan, na,ka,lock." Tamad niyang sabi.

"Buksan mo ngaaaaaa! Nicabeeeeeeest!"

Inaantok man. Binuksan niya pa din ang pinto at nakitang si Joice na malaki ang ngiti.

"Ano?"

"Ayy. Wrong timing ka naman Nics. Huwag mong sabihin na kain tulog lang ginawa mo?"

Tinanguan niya lang ito at bumalik sa pagkakahiga.

"Hindi ka gumala?"

Umiling lang siya. Bago hihiga ulit.

"Tapos hihiga ka pa niyan?"

"Anong oras ka natulog?"

"Tas ng tanghalian namin."

"Yun naman pala. Gising na."

Narinig niya ang tunog ng switch on ng phone nito.

"Bangon ka na nga dyan. Ang baho mo na din. Maligo ka na doon."

"Huwag ka nang magkumot pa. Dali na. Maligo ka na doon." Anitong hinila ang kumot niya.

"Poo naman."

"Manglilibre daw ulit si Brent. Kaya dalian mo na dyan."

"Ikaw na lang."

"Hindi. Sasama ka." Matigas bitong sabi.

"Inaantok pa ako."

"Alam ko. Kaya nga ginigising ka. Kahig ako inaantok din."

"Joice naman."

"Nics naman." Ulit nito sa sinabi niya.

Kahit inaantok bumangon pa rin siya at naligo.

Napailing si Nica pagkalabas niya ng banyo.

"Naligo lang ako, nakatulog na siya. Akala ko ba lalakad kami." Bulong ni Nica at inayos sa pagkakahiga si Joice.

Napagod siguro to sa byahe.

Hinayaan nitong matulog at nagluto siya ng pagkain nila para makakain si Joice pagkagising.

-

"Nagkakainuman na naman sila." Sabi ni Joice.

"Hindi." Sagot ni mommy ganda.

"No. Its more like they are doing the rituals." Sabi naman ni Nica.

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon