Finding Ways 3 "Memories"

16 1 0
                                    



Nagpadala ng mensahe si Christian nang magkikita na sila. Pinadala din nito ang lugar at kung anong oras sila mahkikita.

"Namimiss ko na talaga siya, dalawang linggo din kaming hindi nagkita." Bulong ni Nica sa sarili as she dress.

Pumunta siya sa park ng mag isa. Hindi sumama si Arrah kasi hindi daw sumama ang kuya niya. Though pinilit niya naman ng bongga ang kuya niya pero ayaw talaga. Sa sobrang loyal sa girlfriend kayang iresist ang temptation.

Naabutan niya si Christian na parang hindi mapakali. Hindi muna siya lumapit ng tuluyan. Iniisip niya kung may problema ba sila. Sa tagal na nila medyo nakikilala niya na ito. Kapag nasa ganitong sitwasyon ito, it's either may problema ito or something is bothering him.

She was thinking of possible things that makes him upset when he turn around.

"Kanina ka pa nandyan?" Nakangiting tanong nito at inabot ang kamay niya.

"Hindi, bago lang." Sabi niya na naupo na sa tabi nito.

"Kamusta sa bahay nyo?" Tanong nito sa kanya.

"Okey naman, medyo magulo. Lagi na lang ako tinatawag na baby ang laki laki ko na." Yamot na wika niya.

"Halika nga dito."

Lumapit siya dito. Niyakap siya ni Christian na nakapatong ang baba sa balikat niya.

"Ayaw mo nun? Ikaw pa din ang baby nila?" Sabi nito.

"Pero.." Reklamo niya sana.

"At ang swerte mo dahil may pamilya kang nagmamahal sayo. Atleast ngayon panatag ako kasi hindi ka nila pababayaan." Nararamdaman niya ang lungkot sa boses nito.

"Baby?" Tawag niya dito.

Gustong lingunin ni Nica si Christian pero hinigpitan lang nito ang yakap sa kanya.

"Okey ka lang?"Tanong niya.

Ilang sandali ang lumipas bago siya nasagot.

"Pupunta kami ng Manila. Magtake ako ng College entrance exam." Sabi nito na ikinagulat ni Nica.

Sa pagkakataong yon siya naman ang hindi nakasagot.

"Ang gusto ni papa ay doon ako sa manila mag aaral ng kolehiyo." Patuloy nito.

Katahimikan.

"Umuwi lang pala kami dito kasi gusto ni mama dito muna titira. Hindi namin alam na may ipinatayong bahay si papa at nitong buwan lang natapos." Paliwanag nito.

Nanatili siyang tahimik gustuhin mang magsalita pero umuurong ang boses niya.

"Ayokong sumama baby. Sinabi ko na dito ko na lang itutuloy ang kolehiyo. Alam mo namang mahal kita diba?" Anito na iniharap siya.

Napatango si Nica bilang sagot dito. Naiiyak na siya pero pinipigilan niya lang. Hindi niya alam kung saan tutungo itong usapan nila.

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon