Finding Ways 4 "After the Fall"

17 1 0
                                    



Nagpatuloy ang buhay ni Nica sa kabila ng mga nangyayari. Two weeks din siyang namalagi sa bahay. Tulog, iyak, konting kain, hindi na naliligo. Ganoon lang ang routine niya for the whole two weeks.

Two weeks passed at hindi siya tinawagan o tinext ni Christian. Kahit message sa facebook o messenger, wala. She did browse his facebook timeline pero wala siyang latest post, photos or anything. Nagiging stalker na siya. Viewing his timeline from time to time, sending him messages all over again.

Umaasa pa din siya na maaayos din ang problema nila.

Aaminin ko, masakit ang maiwan lalo na kung hindi mo alam kung ano ang dahilan. I deserve to know his reasons. I know, Nagkausap naman kami ni Christian and both agreed to contact each other but I don't know what happened to him.

"I-I don't--- k-know. Lord po! Please. Masakit na."Himutok niya habang naiiyak.

Dinadalaw siya ni Arrah paminsan minsan at nag iwan ito ng mga copies ng lecture nila sa review. Nagsummer sila for the purpose of preparation sa NMAT.

Nakita niya ang note na nakadikit sa notes.

"Nicabest? Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo ngayon but I'll assure you that you'll get through itand beside  kailangan nating mag aaral. Remember magme-Meds tayo Nicabest. We have to pass the NMAT. Kaya mo yan Nicabest.

Know that I am always here. For you. I miss you Nicabest.

Your Arrahbest.

Ps:
I love you!

Wala namang problema sa kanila ang mag medicine. But unfortunately, Nica's world turn upside down when Christian left her.

Hindi kinakausap ni Nica ang mga tao sa bahay. Lagi siyang nagmumukmok sa loob ng kwarto. Umiiyak buong maghapon. Mugto ang mata.

Hanggang sa isang araw napatingin siya sa salamin. Nakita ang pagbabago ng itsura niya nang sipatin niya ang mukha. Pumayat siya, magulo ang buhok, ang lalim din ng mata niya halos kasing kulay na ito ng itim. Halos hindi niya na nakilala kung sino ang kaharap sa salamin.

"Pumayat ata ako." Bulong niya habang sinipat ang sarili sa salamin.

"Oh em!" Aniya na napatakip ng bibig.

"Gumising ka Nica Barcos!" Sapak niya sa sarili.

" Aray! Nababaliw na ata ako." Aniya na napaiyak na naman.

"Itigil mo na yan. Itigil mo na yang pag iyak mo." Saway niya pa din.

"A-ansakit pa--- din." Aniya habang umiiyak.

"Nica." Sabi niya sabay turo sa sarili sa salamin. "You have to go through this. You have to."

"You. Have. To." Kumbinse niya pa sa sarili.

Then she decided to change her life. Narelized na sarili lang ang kawawa kung patuloy na magiging ganoon ang buhay niya.

"Oo, iniwan ako ng taong mahal ko, pero hindi naman ako iniwan ng mga magulang ko."

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon