Finding Ways 7 "Search"

15 1 0
                                    

Agad na sumakay ng tricycle si Zian papunta sa bahay ni Arrah. Ilang sandali ang lumipas at ipinarada ng driver sa harap ng bahay ng Mendez.

Kasalukuyan naghapunan sina Arrah ng tumunog ang doorbell.

Ako na ma. Nang makita ni Arrah na tatayo ang mama niya.

Nagmamadali niyang binuksan ang pinto.

Napatanga lang si Arrah nang mabuksan ang pinto. Nagulat siya sa itsura ni Zian. Parang kakagaling lang nito sa pag iyak.

"Z-zian?" Nauutal niyang sabi.

"Arrah? Pakisabi kay Nica na pinaghahanap na siya sa bahay."

"A-ano?" Nakatanga pa di si Arrah kay Zian.

"Arrah please. Alam ko nandito si Nica. Kaya please pakisabi sa kanya kahit magpakita lang siya sa akin okey na." Nagmamakaawa na sabi ni Zian.

Saka pa lang nagsink in ang sinabi nito kay Arrah.

"Si Nicabest? Wala siya dito Zian. Diba ikaw ang kasama niya pauwi kaninang umaga noong dumating tayo?"

"Please Arrah? Please tell her, everybody is worrying about her."

"Teka nga Zian. Si Nica nawawala?" Tanong ni Arrah kay Zian.

Napatango lang ito.

"Seryoso Zian?" Nanlalaki ang mata ni Arrah sa gulat.

Napakuyom ng kamao si Zian. "Arrah! Ano ba?! Hindi ako nagbibiro! Kaya ilabas mo na si Nica!" Matigas na sabi nito.

"Zian promise wala talaga dito si Nicabest."

"NICAAA! BABYBUNSOOOO!" Sigaw ni Zian.

"Ano ba Zian! Sinabi ko ng wala dito si Nicabest! Pwede bang huminahon ka muna!" Singhal ni Arrah.

"Arrah please?" Makaawa nito kay Arrah.

"Arrah? Anak? Anong nangyayari dito?" Tanong ng mama ni Arrah na lumabas kasabay ng papa niya ng marinig ang sigaw ni Zian.

"Tita? Tito? Please kapag nandyan si Arrah, gusto ko lang naman siyang makita. Kung okey lang ba siya." Mahinanhong sabi ni Zian.

"Zian sinasabi kong wala dito si Nicabest. Ang huling kita ko sa kanya ay kaninang umaga noong dinaanan nyo ako dito sa bahay. Yung pagdating natin." Paliwanag ni Arrah.

"Bakit anong nangyari Zian?" Tanong ng papa ni Arrah.

Napaluhod si Zian sapo ang ulo.

"Si Nica po. Nawawala." Sambit nito.

"What?!" Di makapaniwalang tanong ni Arrah.

Napatingin lang si Zian sa kanya.

"Okey. Anong oras pa?" Mahinahong tanong ni Arrah.

"Napansin naming wala siya sa bahay mga 6 to 7pm na."

"My god Zian! Malapit ng mag 8pm. Sana tinext nyo muna ako bago ka pumunta dito para hindi masayang ang oras."

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon