Finding Ways 10 "Circle of Friends"

18 1 0
                                    

"Anong oras na yan nakauwi kagabi tanga? Pagod na pagod oh. Sarap ng tulog." Nauulinagan niya ang salita nang hindi pa siya nagigising ng lubos.

"Hindi ko na din namalayan tanga."

"Tulog mantika ka kasi tanga. Tulo laway pa."

"Aba aba! Excuse me! Mas tulo laway ka naman tanga."

Pagdilat ni Nica nakita niya ang dalawa na nakapamewang pa ang isa.

"Tsk. Parehong tanga." Bulong niya.

"Anong binubulong bulong mo dyan?" Tanong ni Nette.

"Good morning." Bati niya sa dalawa na nakangiti na pupungas-pungas pa.

"Morning din." Ganting bati ni Nette na ngayo'y nakangiti na.

"Andaling magpalit ng mood." Anang isip ni Nica habang inuunat ang katawan.

Tumalikod na ang dalawa habang nagkanya kanyang handa ng gamit. Si Nette inaayos ang breakfast nila sa minitable. Si Joice inihanda na ang mga manual na dadalhin sa school.

Napatingin si Nica sa ceiling clock niya at ganun na lang ang pagkagulat.

"OH MY G!!! Shampoo bat di mo ako ginising?! Alam mo namang 9am ang klase natin."

"And you only have 40 minutes left. 38 minutes to be exact." Nakangising sagot ni Joice.

"Siksikan na naman sa bus. Aggggh! Pinakialaman mo na naman ang alarm clock ko!" Singhal nito kay Joice.

"Ansarap kasi ng tulog mo." Kindat pa ni Joice.

"Aaagh!" Aniya habang nagmamadali para maligo.

"Nica kain na muna." Sabi ni Nette pagkalabas niya ng banyo.

"Sige sige Nette." Sabi ni Nica at nagmamadaling nagbihis.

"Una na ako sa baba Nics. Bilisan mo dyan." Sabi no Joice.

Kumuha lang siya ng egg sandwich na hinanda ni Nette at nagmamadaling sumunod kay Joice.

"Thank you Nette. School muna kami." Sabi niya at tango lang ang sagot ni Nette.

"Nga pala Nics okey lang ba sayo doon sa atin si tanga kapag hindi siya makahanap ng dorm malapit sa school?" Tanong ni Joice nang nasa pathway na sila heading to their class.

"Oo naman shampoo." Sagot ni Nica.

"Okey okey." Sabi ni Joice.

Pasalamat din si Nica dahil hindi tulad ng ibang babae si Joice kung sinu-sino lang ang dinadala sa room nila. Kung tutuusin mas malaki pa ang ibinayad nito sa room for rent nila.

Nagpatuloy ang routine niya ng ganon. Pagkagaling sa school bihis lang then deretso sa trabaho. Kasama na din nila si Nette. Ayaw man nitong magcommute pero walang mahanap na dorm malapit sa school. Although isang sakayan lang ang layo ng school sa kanila. Kung minsan nilalakad lang nila pauwi kapag hindi nagmamadali.

---

"Poo yung sa COPAR nyo kamusta?" Tanong ni Nica.

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon