Finding Ways 6 "Indefinite Plan"

10 1 0
                                    

Napatakbo papasok si Alexis.

"Tito? Tita? Ano po ang nangyari?" Tanong niya sa in-laws niya.

Umangat ang paningin ni tito Daniel sa ikalawang palapag ng bahay. Nakita din niya si Zian at tito Enrico na magkasabay na pumasok sa kwarto.

"Tito? Can I?" Paalam niya sa mga ito. Tumango lang si tito Daniel habang inaalo si tita Anita na umiiyak.

Tinakbo niya ang limang baitang na hagdan.

"Find her!" Narinig niyang sigaw ni tito Enrico

"Kung may mangyaring masama kay Nica, this is your fault tito." Matigas na sabi ni Zian.

"Tito? Anong nangyari?" Pinagpawisan at kinakabahan niyang tanong.

"Your wife is missing son." Pahayag ni tito Enrico.

Hindi siya nakaimik sa pagkabigla. Nakita din niyang umiiyak sa kama si ate Reeza at isang matandang babae.

Matalim ang tinging ipinukol ni Zian sa kanya at tumalikod.

"Nana Belma? Mga ilang minuto nang nawala si Nica?" Tanong ni tito Enrico.

"Hindi pa naman masyadong matagal iho. Naghatid ako ng baso at tubig sa pitcher kanina. Bumaba ako at hinanda ang pagkain niya at nagbanyo sandali. Pagbalik ko wala na siya." Sagot ni nana Belma.

"Tito? Lalabas muna ako. Hahanapin siya." Paalam ni Alexis.

"Puntahan mo muna sa park baka nandoon. Dadaanan yun ni Zian ang bahay ng kaibigan ni Nica." Sabi ni Enrico.

Tumango si Alexis at nagmamadaling lumabas.

Siya namang pagpasok ng mama at papa ni Alexis.

"Son? Anong nangyayari dito?" Tanong ng papa niya.

"Nawawala po si Nica pa."Sagot niya.

"Diyos ko!" Sambit ng mama niya.

"Hahanapin lang namin po siya." Paalam niya sa mga magulang.

---

Nang magising si Nica ang ate Reeza ang nakita niya sa may tagiliran ng kama. Nakayuko ito habang tulog na nakalagay ang ulo sa kamay niya. Pagtingin niya sa bedside table, labing walong minuto na lang bago mag alas sais. May nakalagay na palanggana at towel na may tubig sa mesa.

Hinay-hinay siyang umupo para hindi magising si Reeza. Nang maalala ang kasal, isa lang ang naisip niya. Kailangan niyang humanap ng paraan para makaalis sa bahay. Palingon-lingon siya upang hanapin ang cellphone para tawagan si Arrahbest.

"N-nica? Okey ka lang ba?" Tanong ng ate niya ng magising ito.

Tumango siya na umiling at Naiyak. "A-ate? P-please? Tu-tulungan mo ako."

"Nica, Hindi ko alam paano kita tutulungan. Ano ba ang nangyari? Nabigla na lang ako nang tinawagan ni papa na papauwiin muna kami sa bahay. Tinanong ko si papa kung bakit hindi naman niya sinabi sa akin. Tapos bigla ko na lang nalaman na may darating na mamanhikan at ikakasal din agad. At si tito Enrico ang may kagagawan. Alam mo naman si tito diba? Pinakialaman niya na dati si mama pero walang nagawa si mama, at ang malala pa kahit anong reason mo pa sa kanya hindi valid kasi si mama at si papa successful ang marriage life nila." Mahabang sabi nito.

"P-pero a-ate, m-magkaiba k-kami. Gusto ko p-pang mag aral. Gusto k-ko muna makatapos bago m-mag asawa." Umiiyak na sabi niya.

"Nica, kung yan ang gusto mo, sasabihin ni tito sayo pwede ka namang mag aral, papaaralin ka habang magkasama kayo ni Alexis. Yung mga posibleng rason mo balewala lang pagdating kay tito. Ano ba ang ginawa mo? Hindi naman siguro gagawin ni tito yun kung walang nagtrigger sa kanya."

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon