Finding Ways 1 "First Date"

56 1 0
                                    

This is the second story I wrote. The first one still not up for sharing.So, hope you may find it readable. I mean worth it.

---

"Arrahbest! Tingnan mo naman ang suot ko oh. Ano? Okey na ba? Anong kulang? Okey lang ba ang match ng kulay? Yung bag ko okey na din ba? Bagay ba sa damit ko?" Tanong ni Nica kay Arrah, pero kanina pa siya hindi sumasagot.

"Arrahbest?"

"Arrahbest?"

"Nicabest, You took an hour and 17 minutes in preparing yourself. Kanina ka pa papalit palit ng susuotin. You are beautiful okey? Kahit ano susuotin mo babagay sayo. Look at yourself." Sabi niya.

"Eh Arrahbest kasi first date to namin at alam mo yun, kaya nga tumawag..."

"Para tingnan ang ayos mo?" Dugtong ni Arrah sa sasabihin niya. "Sinasabi ko, oks na. Kapag nalaman to ng kuya mo, ewan ko na lang baka kung ano pa gagawin niya sakin. Knowing how protective your kuya when it comes to you."

"Wag mo na lang sabihin Arrahbest. Please?" Makaawa niya ka Arrah.

"Ano pa bang magagawa ko? So saan kayo magkikita ni Christian?" Laglag balikat na tanong nito.

"Susunduin niya na lang daw ako sa bahay nyo." Sabi niya na napapeace sign pa.

"Aah, kaya pala early ka nagbihis at pagkatapos nito uuwi muna tayo sa bahay namin. Ginawa mo pa akong alibay." Pinandilatan pa siya.

Napahagikhik siya. "Arrahbest, peace tayo. Kapag magkakaboyfriend ka na ako mismo gagawa ng paraan paano kayo makapagdate, kaya sige na magreason ka na kina mama. Please sige na, magbibihis ka na din para hindi lang ako ang mukhang may lakad."

"Paano ako magkakaboyfriend eh ang suplado ng kuya Zian mo, ako na nga tong todo papansin sa kanya. Hmmmp.

"May girlfriend na kasi yang si kuya Zian. Kaya wala ka na aasahan dyan Arrabest. Kaya sige na please?" With paawa effect na sabi niya.

"Naku, Nicabest. Kung hindi lang kita bestfriend. At hindi talaga ako favor kay Christian na yan."

"Yes! I love you Arrahbest. Muah. Muah."

"Eww. Huwag ka daw."

"Thank you Arrahbest!"

Dinedma lang siya.

Bumaba sila, naabutan nila sa sala ang mama at papa ni Nica. Ang mama niya nanonood ng tv, ang papa naman nagbabasa ng magazine, normal routine nila pag saturday ng hapon.

"Tita? Pupunta na po kami." Paalam ni Arrahbest. Todo ngiti pa ito.

"Huwag msyadong pagabi baby hah?" Sabi ng mama ni Nica. Na baby pa din ang tawag sa kanya kahit malaki na siya. Fourth year high school na nga siya kung tutuusin.

Natawa naman si Arrahbest. Lagi siya nitong pinagtatawanan sa tuwing tinatawag na baby ng mama at papa niya.

"Ansarap nitong iuntog. Haayst." Bulong niya.

"Opo ma."

"Oh, Arrah alagaan mo tong baby namin. Pasundo kayo kay Zian kapag uuwi na kayo." Sabi ng papa niya nung humalik ito sa kanya.

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon