Finding Ways 9 "Around"

19 1 0
                                    

"Magkano lahat?" Tanong ng customer kay Nica.

"752.50 po lahat." Sagot niya.

"Haaaay..." Nica sigh. "Makakauwi na din." T'was her last customer. And its already seventeen minutes past ten. She fix the counter and count the money before handing it to the owner. She remitted to the money to mr. Tash.

Pick her hand bag then went home.

Nakapatay na ang ilaw pagdating niya sa kwarto nila.

"Akala ko ba ten kayo umuuwi eh mag ten thirty na. Bakit ngayon ka lang?" Nakapamewang na tanong ni shampoo kay Nica.

Napahawak si Nica sa dibdib Niya. "Bakit gising pa to?" Tanong niya sa isip.

"Akala mo nanay ko kung makaasta. Tinotopak na naman." Bulong niya.

"Oh ano binulong bulong mo dyan?"

"Shampoo pagod na ako." Sabay niya higa sa kama.

"I was just trying if I'll pass scolding you. So kamusta ang arte ko?" Napahagikhik nitong tanong.

"Hindi bagay." She said rolling her eyes.

"Haaay. Hindi pang actress ang drama." Reklamo ni Joice.

"Sige na matulog ka na. Baka papagalitan ka na naman ni sir Tokicker bukas. Goodnight." Sabi nito sabay talukbong ng kumot.

Nica did her BSR then gone to sleep.

---

"Nics? Samahan mo ako mamaya huh?" Sabi ni Joice.

"Saan?"

"Sa may downtown. Imimeet lang natin ang architect na magdidesign ng bahay ni tita." Ipinapakuha lang ni Tita ang design. Baka kasi uuwi ako next month.

"Papasok pa ako sa tindahan mamaya Shampoo." Sabi ni Nica habang nakatutok sa ginuguhit niya. Isa sa mga hilig ni Nica ay ang magdrawing ng kahit na ano.

"Nics? Sige na please samahan mo na ako."

"Hindi nga pwede. Baka gagabihin tayo doon." Kasalukuyan silang nagpapahinga sa school bench matapos ang major subject nila.

"Sige na please. Sandali lang man yun Nics." Pakiusap pa nito.

"Shampoo. Ang kulit. Alam mo namang may trabaho ako. Kailangan kong kumayod para makabayad. Isang taon na lang Shampoo. At mas lalong kailangan ang doble kayod para makaipon."

"Ipagpaalam lang kita kay manager Tash. Tsaka si Rey naman kasama mo at madali lang tayo doon. Promise."Sabi pa nitong natapataas kamay.

"Nakakahiya naman kay Rey Poo."

"Sandali lang naman yun." Nakapout niyang sabi. "Akala ko ba bestfriend mo ako. Hindi pala. Ang bestfriend nagtutulungan. Wala na akong bestfriend. Itinakwil na ako." Madramang sabi ni Joice.

"Haaaays.." Napabuga ng hangin si Nica sabay lingon sa bestfriend niya.

"Aaagh. Ano na namang drama yan Shampoo." Naiinis na wika ni Nica.

"Wala na. Itinakwil na ako ng bestfriend ko." Sabay pahid ng luha kahit wala naman.

"Oo na. Oo na. Sasama na."

"Talaga? Sasamahan mo na ako Nics?" Masayang sabi nito na nawala ang drama mode.

"Ayaw mo? Sige na binabawi ko na."

"Ay hindi. Wala ng bawian Nics. Yeeey! Sasamahan na ako ng pinakamamahal kong bestfriend." Napalundag pa ito.

"Pero sasamahan mo muna ako sa store para makapagpaalam ako Shampoo."

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon