Finding Ways 5 "A turn"

17 1 0
                                    

Nica is wondering why there are new faces in their house. May mga nakahandang mesa. May pang apat na katao at meron ding pang anim.

Naabutan nila ang mama at ate Reeza niya na halatang umiiyak pero pinigilan nila ito ng makita sila ni Zian.

"Hi ma, pa, ate." Bati niya at yumakap sa kanila ganun din ang  kuya niya.

"Ma? Pa? Anong meron?" Tanong ni Zian.

Ngumiti lang ang mama nila bilang sagot. Ang papa nila blanko ang ekspresyon.

"Ma? Bakit maraming tao? Advance wedding anniversarry nyo?" Tanong ni Nica.

Umiling lang ang papa niya habang ang ate Reeza niya pinipigilan ang paghikbi.

"Sige na. Magpahinga na muna kayo. Alam kong pagod kayo sa byahe." Sabi ng ate Reeza.

"Sige po. Aakyat muna ako." Paalam ni Nica. Umakyat na din si Zian. Dalawang palapag ang bahay nila. May apat na kwarto sa taas. Yung tatlo para sa kanilang magkakapatid. Siya, ang ate Reeza niya na panganay at may asawa na at sumunod ang kuya Zian niya. Siya ang bunso. Yung isa naman guest room. Dalawang kwarto naman sa baba, kwarto ng mama at papa niya habang at ang isa kay nana Belma. Sapat lang din ang bahay nila, may kusina at sala.

Hindi siya mapakali pagdating sa taas. Kanina nung dumaan sila ng kuya Zian niya pinagtitinginan sila ng mga tao. May mga nagbubulungan din.

Naligo lang siya tsaka nagpahinga sandali.

Nagising si Nica ng nararadaman niyang may tumapik sa pisngi niya.

"Nica? Baby bumangon ka na dyan." Gising ng ate Reeza niya sa kanya.

"Mmm? Inaantok pa ako ate."

"Sige na babangon ka na dyan tapos susunod ka sa akin sa guest room."

"Five minutes lang ate. Sige na please? Anong oras na?"

"11:32 na. Magsisimula ang ceremony by 1pm. Kaya bilisan mo na dyan kakausapin ka pa ni tito Enrico."

Napabalikwas siya nang marinig  ang pangalan ng tito Enrico niya.

"Bakit daw ate? Bakit niya ako kakausapin? Anong ceremony?"

Umupo ang ate sa may tagiliran ng kama. Nakita din nitong tumulo ang luha. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Nica? Makinig ka sa akin, gumawa na ng paraan si ate. Ginawa na ni ate ang kaya niyang gawin. Nagreason na ako kay tito Enrico, nagmakaawa na din kami ni mama. Sinubukan na ding kausapin ni papa si tito, pero baby? Buo na talaga ang pasya ni tito. At hindi na namin yun mababago. Simula kagabi nagmakaawa na kami." Naiiyak nitong sabi.

"Ate? Naguguluhan ako. Bakit anong sinabi ni tito?"

"B-baby? N-nica?" Niyakap ni Reeza si Nica ng hindi na ito makapagsalita. Naiyak na din si Nica. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.

"A-ate?"

Binitiwan siya ni Reeza at pinahidan ang luha niya. "Sige na. Maligo ka na ulit, magtoothbrush ka na daan. Tapos susunod ka na lang sa guest room." Bilin nito.

Finding WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon