Dedicated to @Queendiamond95 ♡︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢
Chapter Two
She's Living with Oliver︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Allison's P.O.V
Pagkauwi na pagkauwi namin ni Oliver ay agad akong humarap sa kanya at tinignan sya.
"Ask now," sabi nya at hinubad ang jacket na suot nya.
"Is it true? May half brother ka talaga?" ito ang unang lumabas sa bibig ko.
Narinig kong bumuntong hininga sya at hinila nya ako paupo sa couch.
"Oo pero magkahiwalay kami lumaki," sabi nya habang nakatingin sa kawalan.
"Bakit?" tanong ko.
Tumingin naman sya sakin. "Magkaiba kami ng Mom. Months lang ang tanda nya sakin. Masyadong malandi kasi ang dad namin," sabi nya at tumawa pero tinignan ko lang sya ng masama kaya naman tumigil na din sya sabay sabing "Sorry, Sorry."
"Pero.. nasan yung Mom ni Zach?" tanong ko sa kanya.
Actually, na-meet ko na si Tita Stephen na mommy ni Oliver at mabait naman ito pero ang daddy nya na lang ang hindi ko pa nakikita and i think alam ko na kung bakit. Lagi itong busy at awkward para sa kanya ang pumunta sa mga ganung event.
"I don't know," tipid nyang sabi at sumandal.
"Okay. Change topic," sabi ko at tinignan sya. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi ang tungkol kila Wendy na childhood friends mo?" asar kong tanong sa kanya.
Dinilat nya naman ang kanyang mata at ngumiti sakin. "1 year kasi silang nandun sa paris at gusto kong ipakilala sila sayo ng personal," sagot nya "tsaka bad news.." tumigil sya saglit at tinignan ako nang seryoso.
"Anong bad news?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"May gusto sa'kin si Wendy," sabi nya at tumawa.
Agad akong tumayo at pinalamig ang temperature dito sa Living room.
"Joke lang!" agad nyang sabi.
"Joke mo mukha mo!" sabi ko sabay lakad papunta sa room ko pero binabaan ko na din yung temperature doon dahil ayoko namang ginawin sya.
Pagkasara ko ng pinto ay dumiretso ako sa kama. Humiga ako at tinignan ang puting kisame. May gusto pa akong tanungin sana sa kanya.
"Ano yung pinaguusapan nila nun at seryosong seryoso sila ng kapatid nya?"
●○●
"So, nabalitaan ko ang nangyari kay Victor. you killed him?"
"Yea. Wala na din naman syang silbi. isa lang din sya sa mga lalaking malandi," sabi ko at humigop ng coffee.
Nandito kami ngayon sa Starbucks at nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy: The Return
VampirWhat will you do if you were Zurie? Matapos mangyari ang napaka-pait na nakaraan ay bumalik sya. but, she's not the Old Zurie Anymore. She's Allison now. She shows no mercy, she knows how to fight, and she knows that Oliver is the only one she can t...