Chapter One

836 17 0
                                    

"Listen, Jason, it's really not you... it's me," malakas at maemosyong saad ni Tara. "Okay ka naman, eh. Mabait ka, I have high regard for you pero... wala talaga, eh. Walang kabog. Walang kilig." Sandali siyang huminto at napaisip. "Putragis, ang corny!" tili niya, sabay hagis sa desk ng hawak niyang printed copy ng kanyang manuscript na kasalukuyan niyang binabasa.

Ayon kasi sa nabasa niyang libro, mabuting gawin iyon para mapansin niya kung ano ang mali sa kanyang naisulat. Pero sa sitwasyon niya ngayon, tila wala yatang tama roon.

Napasubsob siya sa mesa sa sobrang frustration. Iniuntog niya nang marahan ang noo roon. "Ang panget! Ang panget-panget!"

May kulang dalawang buwan nang ganito ang eksena sa bahay niya. Kulang dalawang buwan na rin kasi siyang nagpipilit na may matapos na nobela. Oo. Cliché na kung cliché pero iyon talaga siya: Isang nobelista na may writer's block.

"Buwisit! Buwisit talaga! Wala na akong pag-asa!" Inis na isinara niya ang window ng isang YouTube video sa laptop niya, tutal wala namang maitulong sa problema niya ang kanta roon. Mag-iisang buwan na niyang pinag-iisipan ang partikular na nobelang ito, pero hindi man lang siya makausad sa five thousand words!

Kailangang may matapos siya dahil kung hindi, ano ang ibabayad niya sa lahat ng bills niya? Gusto niya tuloy pagsisihang ginawa niyang full-time ang pagsusulat ng nobela. Kung tutuusin sa edad niyang twenty-five, marami pa naman siyang ibang puwedeng mapasukan. Matigas lang talaga ang ulo niya at ipinilit na magtrabaho nang walang amo. Ngayon parang gusto na niyang tumanggap ng labada para lang may maisustento sa mga pangangailangan ng sarili at ng kanyang pamilya sa probinsya.

Inabot niya ang cellphone at ini-scroll hanggang sa huminto siya sa pangalan ng kanyang best friend na si Louise. Ito ang tunay na romance novelist at naimpluwensyahan lang siya nitong subukan ang karerang iyon matapos na magsara ang pinapasukan niyang advertising company three months ago. Siya namang likas na malakas ang loob ay umayon. Pero matapos ang dalawang approved stories sa loob ng isang buwan, gusto na niyang pagdudahan na ang pagiging romance novelist ang calling niya.

Nakailang ring bago nito sinagot ang tawag niya. "Tara, I'm oin a meeting. I'll call you back later," mabilis at tuluy-tuloy nitong sabi. AKaagad nitong ini-end ang tawag bago pa siya nakapagsalita.

Hindi makapaniwalang napatitig na lang siya sa screen ng telepono niya. Bukod sa pagiging legit romance novelist, professor din ito si Louise sa dalawang kolehiyo sa uUniversity bBelt, kaya bihira talaga silang magkaroon ng oras para magkausap, lalo pa ang mag-hangout. Dito pa naman sana siya hihingi ng tulong ukol sa kabuhayan niya.

Sa utak kasi niya, writing equals business. And business means top priority on her list. Na dapat lang dahil dalawang kapatid niya ang pinapaaral niya sa probinsya at kailangan niyang tulungan ang single parent na nanay niya.

Bigla niyang naalala, ang ideas niya para sa unang dalawang manuscripts na nasulat niya ay nakuha niya mula sa pagpi-people watching sa mall. Sukbit ang malaking bag, lumabas siya ng inuupahang apartment na iyon sa Quezon City at sinusian ang pinto niyon.

"Ang aga naman ng date mo," naringgan niyang sabi ng isang tinig mula sa kanan niya. Hindi pa man siya lumilingon ay nakilala na niya kung sino ang nagsalita, base sa sexy nitong boses.

"Oh, hi, Chris," bati niya nang harapin ang umuupa sa katabi niyang pinto.

Boy-next-door ito—archetypically and literally. Nakasandal sa nakasarang pinto nito ang isang lalaking six-footer, maganda ang katawan at puwedeng modelo sa kisig at pagdadala ng sarili. Nakasuot ito ng t-shirt at jeans na parehong parang gusto niyang kaawaan. Ang pantalon nito dahil tila gusto nang mag-retire sa dami ng tastas sa parteng tuhod, at ang t-shirt dahil masyadong na-stretch para i-accommodate ang malapad na balikat at dibdib ng lalaki. Medyo magulo ang buhok nito at parang kagigising lang gayong mag-a-alas -onse na ng umaga. Nang mapansin nitong nakatingin siya ay parang nahiya na sinuklay-suklay nito ang maiksing buhok at ngumiti sa kanya. Pinaalala tuloy ng pantay-pantay nitong mga ngipin at makinang na mga mata kung gaano ito kaguwapo sa kabila ng trashy outfits nito.

Rockstar Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon