Chapter 6

250 10 0
                                    


"Sa mga trabaho mo, alin ang pinakagusto mong gawin?" tanong ni Tara.

Para maiba naman daw, si Chris ang nagluluto para sa tanghalian nila. Ilang oras iyon mula kaninang nagturuan sila ng gitara. Wala itong schedule ng gig para sa gabing iyon. Siya ay nasa harap ng dining table at kaharap ang laptop niya.

"Making music. Iyong reviewing and all that apps, I only do it dahil sa kita. But playing guitar? I'll do it kahit for free," anitong hindi siya nilingon.

Nainggit siya nang kaunti. Wala yata siyang ganoong passion pagdating sa pagsusulat. She was only writing to earn from it and that was all. Kung papasa ang manuscript sa editor at babayaran siya, okay na iyon. Wala na siyang pakialam kung pagkaganda-ganda man iyon o passable lang, kun+g magugustuhan ba ng babasa o hindi.

"Have you always wanted to be a bassist?" tanong niya.

Iniwan nito ang niluluto at naupo sa silyang katapat ng sa kanya. Nagkibit ito ng balikat. "No. I wanted to be a drummer. Three years old pa lang, binilhan na ako ng laruang drums ng parents ko. I started drumming on stage at six—sa church, sa mga school programs. When I was in high school, nagbibisita na kami kung s'an-s'an ng banda ko. Then, nagkasakit ako."

Itinuro nito ang kanang pupulsuhan. "I was diagnosed with carpal tunnel syndrome on both wrists. My doctors ordered that I stay away from drums and take meds. After that, hindi na ako makapag-drums. Kasi kapag pinilit ko, mga ten minutes pa lang namamanhid na ang buong kamay ko, pagkatapos hindi na ako makahawak ng drumstick dahil nanghihina na pati 'yung grip ko." Itinuro nito ang mga daliri. "I was fourteen then, and at my lowest point of my life. I mean, it's my dream for so long. Nakapaikot sa pagtugtog ng drums lahat ng ambisyon ko 'tapos bigla na lang, hindi ko na 'yun puwedeng ituloy. Gabi-gabi ko yatang iniyakan iyon."

Sandali nitong hininaan ang apoy ng kalan. Nilingon siya nito at nagtama ang mga mata nila. Something inside her ached. How does one say goodbye to a dream? It must be hard for him, lalo pa at bata pa ito noon.

"Isang araw, dumampot ako ng bass guitar sa music store and found out I can play it. 'Tapos, iyon na. I realized may pag-asa pa rin. Hindi ko nakuha iyong first choice ko but the second isn't bad at all. I can still play music. Slowly, I fell in love with this instrument." Nag-cringe ito. "Shit, ang corny ko!"

She smiled. She wanted to tell him she was proud of him. "Sana may ganyan din akong passion para sa ginagawa ko."

Kumunot ang noo nito. "Bakit, hindi mo ba gusto 'yang pagsusulat mo?"

"I like it, I enjoy it. Pero hindi kagaya ng passion mo for music. Nagsulat lang naman kasi ako ng romance dahil gusto kong kumita. That's all." Nagbuga siya ng hangin. "Hindi kagaya sa 'yo, it's like you breathe music. Like you'll die without it."

Hindi alam ng dalaga kung kaya ba niyang magbigay ng ganoong debosyon sa kahit anong bagay. She did not know if she was capable of loving, period. That was the irony of her life, actually. Sa halos lahat ng bagay, palaban siya at aggressive, maliban sa aspetong iyon. Masyado kasi siyang takot para mag-invest ng matinding emosyon sa mga tao at bagay nang walang kasiguruhan.

Kumabog ang dibdib niya nang mapansing matiim ang tingin sa kanya ni Chris na para bang inaarok ang kaluluwa niya. She felt her cheeks blushing.

Putragis, bakit ba kung makatingin lalaki ay parang interesadung-interesado ito sa kanya? Nagsisimula na yata siyang pamukhaan dahil sa sinabi niya noon na hindi niya ito type.

"ISTORBO NAMAN," nasabi ni Tara nang marinig ang katok sa pinto niya nang gabing iyon. Buhos ang konsentrasyon niya sa isinusulat, kaya naiinis siyang mapuputol ang momentum niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto.

Rockstar Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon