Chapter 8

340 9 0
                                        

"Linawin ko lang. Date ba ito, o date-like activity for research purposes?" tanong ni Chris sa kanya.

Naroon sila sa rooftop muli at kasalukuyang nanonood ng isang chick flick gamit ang ni-set up nilang LCD projector na hindi niya alam kung saan nakuha ng binata.

"None of the above," kunwa ay irap niya rito. "We're doing this dahil for return 'yung story ni Collin at sinasamahan mo akong mag-mope tutal wala naman kayong gig ngayon."

"Aww, sorry." Inabot nito ang kamay niya at pinisil. "Ano'ng comments?"

"Overused plot, inconsistent characterization and hard to relate to characters," napalabing turan niya. Sa totoo lang, hindi siya gaanong nabigla sa result ng evaluation ng manuscript niya. Inasahan na nga niya iyon.

"Dahil nag-mo-mope ka, hindi ko na sasabihing 'I told you so'," tukso nito.

Tinusok niya ng daliri ang tagiliran nito at napapitlag ito. Natatawang hinuli nito ang kamay niya at muli iyong kinulong sa sariling palad.

"Bakit naman ito pa'ng napili mong pelikula?" Itinuro nito ang puting telang inilatag nila sa pader para maging screen. "Hindi na maganda ang plot, di pa nakakatawa. Maaliw ka ba niyan?"

"'Bah, kahit pinakapangit na pelikula, puwedeng kuhanan ng ideas. Saka nakaka-excite kaya ang kapogian ng bida, di mo ba nakikita?" aniya.

"Mas pogi ako diyan." Sumimangot ito. "Pero nakakahalata na ako, ah. Panay ang gamit mo sa akin para pagkakitaan."

Napatawa siya. "Sira. Wala pa sabi akong kinikita mula sa ideas mo, ni hindi pa nga iyon tapos. Saka ikaw ang nag-volunteer na tulungan ako."

"Okay, sorry. Kasalanan ko pa pala," drama nito. Bumuntong-hininga pa ito bilang pa-effect.

Natatawang pinisil niya ang matangos nitong ilong. "Sige, ganito na lang. Kapag na-approve itong manuscript ko na galing sa 'yo, ide-date kita. Ako naman ang taya. Deal?"

Ngumiti na ito. "Puwedeng sa Boracay o kaya sa Coron?"

"Ano ka, diyan lang sa carinderia ni Aling Cynthia kita ililibre, ano!" Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Ang isang braso nito ay pumalibot sa kanya at naglalaro sa buhok niya ang kamay niyon.

Mag-iisang linggo pa lang sila sa relasyong iyon na hindi nila pinangalanan, and as of today, hindi pa niya pinagsisihan ang desisyon niyang subukang makipagrelasyon muli. Pamilya niya pa rin ang priority niya at hindi naman sila ganoon kaseryoso ni Chris. Para lang silang 'exclusively dating' pero walang masyadong emotions involved. They were just enjoying each other's company.

Ilang sandali silang tahimik. Pinakiramdaman niya ito kahit habang nakatutok ang mga mata niya sa palabas. Naramdaman niyang isinubsob nito ang mukha sa buhok niya. Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib nang dumikit ang bibig nito sa sentido niya at humalik-halik doon. Nang ibulong nito ang pangalan niya sa tapat ng tainga niya, nagtayuan lahat ng balahibo niya.

She turned to face him and their gazes locked. Binusog niya ang mga mata sa bawat features ng makinis na mukha nito—mula sa mapupungay na mata na napapalibutan ng makakapal na pilik, sa matangos na ilong, sa mapupulang labi...

"Do you know what you're doing, Tamara?" Bahagyang may paos factor sa boses nito, at lalo niyong pina-sexy ang tunog niyon sa pandinig niya. "Stop staring at me like that."

"Then, tell yourself to stop seducing me." Hindi niya napansing bahaw na rin ang tinig niya.

Tumawa ito, ngunit muli ay bahagyang malat ang naging tunog niyon kaya lalong nagwala ang puso niya. "Ikaw 'tong kung makatitig ay parang gusto mo na akong lundagin at atakehin ng halik."

Rockstar Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon