Chapter 2

308 14 0
                                    


Kumurap si Chris para tapusin ang alaala sa isip niya at mag-focus sa kasalukuyan.

Iyon yata ang una at huling beses na nag-usap sila ni Tara. Kapag kasi nagkakasabay sila sa hallway, na sobrang dalang, nagkakangitian lang sila at kaunting kamustahan. Walang pagkakataon para magkausap.

Hindi rin niya magawang makaporma rito dahil parang na kay Dean, ang white-collar boy nilang kapitbahay, ang mga mata nito. At siya? Hindi siya nito tinatarayan, pero nahuhulaan niyang hindi maganda ang impression nito sa kanya. Na malamang hindi malayo sa impression na ibinigay niya sa iba pa niyang kakilala.

Oh, well, pagkakataon na niya ngayon para i-impress ang dalaga. Mahirap na, baka maunahan pa siya ng iba.

Tumikhim siya para magsimula ng conversation. "Teka, Wednesday pa lang ngayon, di ba? Wala ka bang pasok?" tanong niya kay Tara habang nagbibiyahe sila.

"Nagsara na kasi 'yung Excel, eh.," may lungkot sa tin ig na sagot nito.

"Ow? Kailan pa?"

"Nito lang January."

"Ay, gGan'un? Sa'n ka pumapasok ngayon?" may concern na untag niya.

"Pinasok akong writer n'ung friend kong si Louise sa publisher niya," kuwento nito.

Nakahinga siya nang maluwag. "That's good. Anong genre ang sinusulat mo?"

Ngumiti ito na parang nahihiya. "Romance."

Ibig bang sabihin, romantic ito? "Talaga? Ang galing naman. Ikaw pa lang ang nakilala kong romance novelist."

Bahagyang nagka-tint ng pink ang mga pisngi nito at lalong gumanda sa paningin niya. "Pinag-aralan ko pa nga itong romance, technical writing kasi talaga ang background ko. Dadalawa pa nga lang ang na-publish kong manuscript. Tsamba lang kaya na-approve."

Sayang at nagmamaneho siya, hindi niya puwedeng ituon lang ang mga mata sa dalaga.

"My sister loves reading romance. Baka isa ka sa favorite authors niya." Gusto niyang tapikin ang sariling balikat dahil sa nakuhang reaksyon kay Tara.

"Oh?" Nahimigan niya ang excitement sa boses nito.

"Hmm. May dalawang malalaking shelves iyon sa kuwarto niya na punung-puno ng English and Tagalog pocketbooks. Linggo-linggo 'yun kung bumili siya, kaya malamang may books ka d'un."

"Nakakatuwa naman."

"Yeah, you should meet her," aniya. "Kaya lang nand'un siya sa amin sa Davao."

"Ikaw, mahilig ka rin bang magbasa?"

Tumango siya. "Not romance, though, kung anu-ano lang. " Pagkatapos ay agad niyang idinugtong, "Pero kung libro mo, siyempre babasahin ko. Ano'ng title ng book mo? Saka ano ba'ng pseudonym mo? Makahanap nga ng copy sa bookstore."

Tumawa ito. "Naku, baka hindi mo 'yun ma-enjoy, walang LS d'un."

Kumunot ang noo na nilingon niya ito. "LS?"

Namula ang mga pisngi nito. "Err, love scene."

Napatitig siya sa mukha nito saka unti-unting ngumiti. "Grabe ka naman. Na-assume mo kaagad na 'yun ang hahanapin ko sa book mo?"

Bago pa ito makasagot ay nag-ring na muli ang cellphone niya. Muli, pangalan ni Tasha ang ang naka-register doon, ang ex-girlfriend niya. Hindi niya iyon sinagot dahil una, nagmamaneho siya. At pangalawa, malamang, mangungulit lang ito.

Halos isang buwan na mula noong makipag-break ito sa kanya. Sa edad niyang treinta, man-child daw kasi siya, iresponsable at commitment-phobic. Madrama pa nitong sinabi na wala raw itong mapapala sa relasyong iyon kung saan ito lang ang nagmamahal. Pagkatapos, after five days, nakikipagbalikan na ito. Hindi na siya nito tinigilan mula noon.

Rockstar Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon