"Sorry, hindi ko narinig ang tawag mo," ani Tara. Hindi siya makatingin sa mukha ni Louise habang binubuksan ang pinto ng bahay, gamit ang susing nakakabit sa cellphone holder niya.
Hindi ito kumibo at magkasunod silang pumasok hanggang sa kusina.
"Nag-breakfast ka na ba?" untag niya habang naghahalungkat sa loob ng refrigerator. "Gusto mo ng pancakes? Or tapsilog kaya?"
"Oh, don't bother."
"O gusto mo, pandesal na lang?" alok niyang parang hindi ito narinig. "Nagkape ka—"
"Tara, look at me." Madiin ang tono nito at kinakabahan man, sinunod niya ito. "We have to talk." Seryoso ang expression sa mukha ng kaibigan. Halata rin doon ang concern.
"I know what I'm doing, Louise," depensa niya hindi pa man.
Tumango ito. "Dapat lang, beinte cinco ka na, eh. Gusto ko lang magbigay ng opinion... as your friend."
Hindi siya kumibo. Tinungo niya ang kalanan at kumuha ng isang kawali. Binuksan niya ang gas stove.
"Hindi mo pa gaanong kilala ang lalaking iyon. Iilang buwan pa lang iyong nandito sa apartment at nito lang kayo naging close."
Naglagay siya ng mantika sa kawali at hindi kumibo.
"Mahal mo ba siya?" tanong nito.
Natigilan siya mula sa gagawin sanang pagbabasag ng itlog. Hindi niya yata alam ang sagot doon. Higit pa roon, natatakot siya sa posibleng sagot doon.
"Ang mas importante, mahal ka ba niya?" Pumalatak ang kausap nang makita siyang mamutla. Inabot nito ang kamay niya at hinila siya para harapin niya ito. "Tara, nag-aalala ako para sa 'yo. Ayokong mangyari sa 'yo 'yung noon mo pa ikinakatakot." Nag-init ang mga mata niya. "I don't know Chris personally, pero base sa ilang beses na pagkikita namin, nahuhulaan ko nang hindi siya nalalayo sa tatay mo. 'Yung hitsura niyang iyon, parang hindi siya magseseryoso sa buhay o kahit sa babae. Do you think he'd be any different? Baka mamaya, pinaglalaruan ka lang— "
"Lou, I know him enough. He's different. 'Wag mo namang ikumpara siya sa tatay ko," aniya kahit hindi siya masyadong sigurado roon.
What's her basis for judging who Chris is and who he isn't? Iyong ilang linggong pinagsamahan nila? At pagtitiwalaan ba niya ang judgment niya na ilang beses na siyang binigo?
Hindi ba't ganoon din ang nanay niya noon? Inakala nitong okay ang kanyang ama—binigay ang sarili sa nobyo, nabuntis, nagpakasal, at kung kailan magkasama na sila sa iisang bubong saka na-realize kung anong mali ang nagawa nito. Saka nito nalaman, marami pa palang barkada ang tatay niya, at mas madalas na iyon ang kasama nito kaysa umuwi sa bahay.
Lumaki silang hirap sa buhay dahil wala itong permanenteng trabaho at umaasa lamang sa sustento ng mga magulang. Ang masama pa, nalaman nilang may dalawa silang kapatid sa labas. Hanggang sa nagdesisyon nga ang kanyang ina na makipaghiwalay na rito at isama silang magkakapatid sa Aurora uupang tumira sa mga lola niya.
Pinagmasdan siya ni Louise nang ilang segundo bago ito ngumiti. "I was planning on warning you not to fall in love with him, pero mukhang late na ako."
Tinitigan niya lang ito kahit gustong mandilat ng mga mata niya at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Putragis, tama nga si Louise. Mahal na niya si Chris!
"I hope to God your judgment is correct. Alam mong masasaktan din ako kung sasaktan ka niya. You take care of yourself, okay? Don't break this." Tinuro nito ang tapat ng puso niya.
Pinilit niyang ngumiti kahit nagtatalu-talo na ang mga ideya sa likod ng isip niya. Ano kasiguruhang hindi siya masasaktan gayung inamin na nga niya sa sariling mahal na niya ang lalaking iyon? "Thanks, Lou."
BINABASA MO ANG
Rockstar Next Door
RomanceRead a review of this novel: http://romancereaderinlove.blogspot.com/2014/03/book-review-rockstar-next-door.html Cliché na kung cliché, pero iyon talaga si Tara Madrigal: isang nobelistang may writer's block. Kulang dalawang buwan na siyang nagpipil...