Chapter 5

324 13 0
                                        

"Hindi ko talaga ma-gets 'yang taste mo," hirit ni Tara nang lapitan niya ito.

Oo nga. Ba't ba isang manhid pa ang nagustuhan ko? kung puwede lang isagot ni Chris dito.

Isinama niya ito sa rehearsal nila nang gabing iyon at katatapos lang nila ng tatlong sunud-sunod na round ng practice at ngayon ay nagpapahinga. Mayamaya, mag-iisang round pa uli sila bago magpaalaman.

Nagkibit-balikat lang siya at inabot dito ang hawak na bote ng mineral water.

"Eng-eng ka!" patuloy nito. "'Yun ang ex mo? Susme, ang ganda-ganda ni Tasha! Ang galing pa! I mean, ilan lang ba ang babaeng drummers sa Pilipinas? And she's super nice!"

Kumunot ang noo niya. "Oy, Dora, ngayon mo lang siya nakilala. At ni hindi pa umabot ng five minutes ang pag-uusap ninyo para matawag mo siyang nice!"

Kung alam lang nito, pinag-aaralan ito ni Tasha kanina kaya ito kinausap. Dahil kilala niya ang drummer ng Audiophile 2.0 ay alam niyang na-threaten ang babae sa dala niyang 'date'.

"Kahit na!" pilit ng nabanggit na date. "Ang ganda niya, ang galing niya, ang bait niya, bakit mo ba siya pinakawalan? Ang engot mo talaga!" Idiniin pa nito ang isang daliri sa noo niya.

Umikot papa-ceiling ang eyeballs niya. "Nakikinig ka ba sa sinabi ko sa 'yo kanina?" Hininaan niya ang boses para hindi marinig ng mga kasama ang usapan nila. Naroon lang din sa malawak na music studio ang mga ito at nagpapahinga. "Siya ang nakipag-break sa akin. Ayaw na niya sa akin."

"Ano ba kasi'ng ginawa mo?" angil nitong tiningnan pa siya nang masama.

Kung hindi lang siya natatakot na makita siya nang mga bandmates, sinabunutan na niya ang sarili. Pinilit niyang magpakahinahon kahit napipikon na. Bakit ba iniisip ng dalaga na siya ang may kasalanan?

"Wala akong ginawa, Tara, nagsawa lang talaga siya sa akin. Sabi niya, hindi niya gusto ang tulad kong happy-go-lucky at commitment-phobic."

Tinaasan siya nito ng kilay. "So bitter-bitter-an ka, gan'un?"

"Hindi ako bitter."

"Ba't ayaw mong tanggapin ang pakikipagbalikan niya?"

"Basta!" sabi na lang niya. "At puwedeng umarte ka namang sweet tayo? Hindi kita babayaran pag hindi sila naniwalang ikaw ang bago kong girlfriend."

Parang natauhan naman ito at ngumiti sa kanya. Pinahid pa nito ng kamay ang imaginary pawis sa noo niya. "So bakit nga ayaw mong tanggapin ang pakikipagbalikan niya?" nakangiting sabi nito; tila ba sweet nothings ang sinabi sa tono at hitsura nito.

Nabura ang ngitngit niya at napalitan ng tuwa. Kung babae siguro siya, baka kinikilig na siya at nag-i-squeal. She was too close to him and was filling up all his senses.

"Hindi kami compatible. Enough said." Inabot niya ang kamay nito. "Pakimasahe nga ang kamay ko, napagod."

Sumunod ito nang walang reklamo at lihim siyang napangiti. "Pero ang ganda niya at ang sexy. Di ka ba nanghihinayang?"

Nagkibit lang siya ng balikat.

"Actually, parang gusto ko siyang gawing reference para sa heroine ko. Ang astig kasi ng dating ng babaeng drummer."

Kunot ng noo ang natanggap nito mula sa kanya.

"Oh, my God! Tama!" anitong napalakas ang boses. "I'm gonna make a heroine out of her! 'Tapos ikaw ang hero ko."

"What!" Nagsalubong lalo ang mga kilay niya. "Akala ko ba, hindi ako papasang romantic hero?"

"Susubukan ko lang ang suggestion mo. Saka bagay naman kayo, eh," parang wala anumang pahayag nito.

Rockstar Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon