Chapter 8

1.2K 44 6
                                    

Chapter 8

NALU'S POV

Ang saya saya talaga kapag sabado, day-off naming lahat sa trabaho, at dahil doon ay kaliwa't kanan ang pwedeng kainan, ngayon ay kasama ko sila Kite, Yandel at Bullet nagpasama si Kite para bumili ng kung ano para kay Skye dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya pinapansin, buti nga sa kanya. Mabuti nalang at pinayagan ako ni Lirie dahil kailangan din daw namin minsan ng bonding at kasama ko naman daw si Bullet, atleast daw may isang matinong kasama, tss kung alam ko lang crush na crush niya kase dati si Bullet kaya nung sinabi ni Bullet na sasama ako oo agad siya, pag nainis ako barilin ko to si Bullet ngayon eh.

Ano ba tong pinag-iisip ko pati si Bullet pinag-iisipan ko ng di maganda, epekto siguro to' ng pangungulit ni Yandel, paano hanggang ngayon ay hindi ko pa nabibigay ang mansanas niya dahil doon sa pang-uuto ko sa pak-ganern na laro, akala niya naman bibigyan ko talaga siya ng mansanas, kesa ibigay ko sa kanya ako nalang kakain noon no.

Nasa mall na kami ngayon at hindi malaman ni Kite kung ano bibilhin niya, nagtanong ako kay Lirie pero hindi niya rin alam dahil hindi naman daw madadaan sa ganoong bagay si Skye, tama naman siya dahil kung tutuusin ay kayang kaya bilhin ni Skye lahat ng gusto niya.

"Ano ba yan ! Ano ba bibilhin ko ah ? Tulungan niyo naman ako mag-isip." si Kite na balisang balisa na.

Nakarating na kami sa mga bilihan ng kitchenwares kakahanap ng bibilhin niya.

"Oh eto." binigay sa kanya ni Yandel ang isang set ng kutsilyo.

"Anong gagawin ko diyan ?"

"Bigay mo kay Skye baka sakaling matuwa sayo." walang kagana ganang sabi ni Yandel.

"Sige bilhin mo yan para may ipang-patay na talaga sayo si Skye." sabi naman ni Bullet habang natingin ng kung ano anong naka-display na pang-luto, akala mo naman marunong magluto.

Pati tuloy ako nahawa sa kanya kakatingin, pero wala akong makitang nakakatuwa. Wala bang pagkain dito ?

"Ang tagal mo naman pumili, bilisan mo naman." rekamo ni Yandel.

Kakatingin ko naman sa mga display ay may nakita akong makabuluhan kaya kinuha ko yun at binigay kay Yandel.

"Yandel oh, bilhin mo na." abot ko sa kanya ng kinuha ko.

"Ano ya.." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nakita na niya ang inabot ko.

Laruang pang-display na hugis ampalaya ang inabot ko sa kanya, kinuha niya yun at binato sa mukha ko. Bwisit talaga tong' boy ampalaya na to eh, bakit ba sumama pa to.

Lumipas ang paglilibot namin pero walang makita si Kite, halos pagkaguluhan na nga sila ng mga saleslady sa mall, si Yandel ay todo iwas at kulang nalang magsuot na siya ng t-shirt na may naka-print na I'm married para layuan siya ng mga babae, feeling pogi na naman siya. Si Bullet naman ay tumatawa tawa lang akala mo artista, si Kite ay balisa parin. Mga baliw pala tong nakasama ko, tsk. Sumama lang naman ako dito dahil sa pagkain, bakit ba ang tagal namin kumain.

Hindi parin tumigil sa paghahanap ng ibibigay si Kite, tinutulungan ko na nga siya pero masakit na salita lang ang naririnig ko kay Yandel, grabe talaga siya imbes na si Kite ang magalit ay siya nagagalit, sabagay hindi pala talaga kaya magalit ni Kite sakin dahil idol niya ako.

"Ano ka ba naman Nalu ! Anong gagawin ni Skye sa maniquin ? Ikaw kaya mag-uwi niyan sa bahay niyo."

Galit na galit to si Yandel palibhasa hindi niya nakuha ang isang kahong mansanas niya tss.

"Kumain nalang kase tayo Kite, kanina pa tayo ikot ng ikot dito, kulang nalang bilhin mo buong mall para ibigay kay Skye eh." reklamo ko naman.

"Kailangan kase mag-ayos na kami, alam niyo ba pati si Storm ayaw niya ipahawak sakin, baka daw mahawa sakin grabe talaga yung babaeng yun."

Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon