Chapter 21

1K 43 14
                                    

GUN'S POV

Kasalukuyang nasa general meeting kami at kasama ang kumpanya nila Yandel, Bullet, Rage at Nalu sa buong pagpupulong dahil magkaka-sosyo at nagbabatuhan lang ng kliyente ang mga kumpanya nila kasama na ang kila Viahm. Nang matapos ang pagpupulong ay dumiretso kami sa restau nila Lirie at doon na nananghalian. Habang nasa gitna kami ng hapag kainan ay ganun na lamang ang sama ng pagtingin nila Viahm kay Yandel kaya naman bawat kilos ni Yandel ay parang kontrolado dahil sa kanya nakatuon ang lahat.

Tumigil si Yandel sa pagkain niya at itinuon ang tingin sa aming lahat. "Why are you all staring at me like I'd murdered your whole family ?" nakasimangot na tingin niya at sinimulan ulit ang pagkain.

"What the hell is that picture ?" si Rage ang naunang nagtanong ng kanina pa gustong itanong ng lahat.

Napatigil sa akmang pagsubo ng pagkain si Yandel at tinignan si Rage. "What picture ?"

Kinuha ni Rage ang cellphone sa bulsa, saglitang may tinignan at pinadausdos ang cellphone sa lamesa papunta kay Yandel. Tumambad ang litrato na tinatanong niya. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang litrato pero lahat kami ay napadalhan, hindi ko lang alam kung pati sila Cham ay nakatanggap ng ganoong litrato.

Halata ang biglaang pamumutla ni Yandel at napahigpit ang hawak niya sa tinidor at kutsilyo na para bang kahit anong oras ay pwede na siyang manaksak.

"Saan galing yan ?" seryoso niyang tanong kay Rage. "..sino nagpadala niyan sa inyo ?"

"The hell I know, it just came from one abnormal sender, pop up on my screen, spreading like virus in hell."  sagot naman ni Rage.

"Pinadalhan rin si Lirie, si Micah ba hindi nakatanggap niyan ?" salita naman ni Nalu. Pa-unti-unti ay nagiging ayos narin ang kalagayan niya.

Napayuko si Yandel at napapikit. "I don't remember what really happened that night but I know Jadie did all that stuff, I don't know what the f*ck she wants but she kept on reclaiming that we have done that stupid thing.. the hell, I can't imagine myself doing that gross scene with her.. damnit !" galit niyang inilapag ang kutsilyo at tinidor sa lamesa at tumingin ulit sa amin.

"Is she blackmailing you ?" tanong naman ni Viahm.

Umiling si Yandel.

"Not yet." sambit naman ni Bullet kaya napatingin kami sa kanya. "..of course she would probably do that. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak niyang si Jadie at ginagawa niya ang mga to, tss." iritableng sabi ni Bullet.

"Isa lang naman ang dapat mong gawin.." sabat ko. "..alamin mo kung totoong may nangyari nga sa inyo at ngayon palang ay paliwanagan mo na si Micah bago pa yan makarating sa kanya." kailangan niya talaga magpaliwanag muna kay Micah at baka may mangyari pang hindi maganda.

"Yeah.. I will." mahinahon na sagot ni Yandel.

Dumiretso na kami sa ospital dahil ilalabas na si Lirie, nandoon rin naman sila Cham at iba kaya sakto lang para maisabay ko narin si Andrea pag-uwi.

Pagdating sa ospital ay inaasikaso na nila Althea ang gamit ni Lirie at hinihintay nalang ang pagdating namin. Pagpasok palang namin ang ramdam na ang kakaibang aura sa paligid. Matatamlay ang mukha nila at hindi maipaliwanag ang reaksyon.

"Anong nangyari sa inyo ?" tanong ni Bullet at nilapitan si Althea at humalik sa pisngi nito saka binuhat si Jett na naglalaro kasama sila Cali.

Nagkatinginan naman sila at parang nag uusap ang mga mata na sila lang ang nagkaka-intindihan. Lumapit naman si Viahm kay Cham at humalik rin dito at pabulong na tinanong ito kung ano ang nangyari pero hindi rin nagsalita si Cham.

Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon