Chapter 17

1K 42 32
                                    

HUNTER'S POV

Hindi ko alam kung anong klaseng babae si Claire. Hindi ko alam kung ano ang ganap niya sa buhay ni Nalu, hindi ko rin alam kung ano ang balak niya sa biglaan niyang pagsulpot. Pero sa pangyayari ngayon na nakikita ko, siya ang nagsisilbing mitsa para masunog ang relasyon ng mag-asawa, siya ang nagiging tulay patungo sa maaring pagkawasak ng pamilya nila Lirie. Wala akong makitang dahilang para bigyan siya ng pabor at siya ang kampihan at kaawaan.

Ngayong sinasabunutan at pinagsasampal siya ni Lirie wala akong dahilan para awatin ang nauna. Pinanood ko sila habang inaawat ni Nalu. Si Darce ay sinisigawan ako para tulungan umawat pero hindi ko siya pinakinggan. Kung maari nga lang na humingi ako sa kanya ng popcorn para panoorin na parang sine ang pananakit ni Lirie kay Claire ay ginawa ko na. Kung nandito lang si Skye o Cham baka hindi lang yan ang abutin ni Claire. Pasalamat siya at si Lirie lang ang umaksyon, bunganga lang naman ang malakas kay Lirie pero hindi siya magaling sa pisikalan.

Kaya naman mabilis silang naawat ni Nalu at ni Darce. Gumawa sila ng eksena sa parking lot. Kung kailan naman nagkaroon na ng mga asawa ay saka nagkaganito. Kung sabagay, hindi naman magkakaganito kung hindi dumating si Claire.

Mali lang ang pagkaka-awat ni Nalu kaya naman naitulak niya si Lirie at napaupo ito sa sahig. Doon ako umalma at mabilis na pumunta sa pwesto nila at inalalayan si Lirie ganun din si Darce.

"Ano ka ba Nalu ! Sasaktan mo ba ang asawa mo ?" sigaw ko habang inaalalayan si Lirie.

Pero sa halip na sa akin gumanti ng sigaw ay kay Lirie niya ibinaling yun.

"Ano bang ginagawa mo hah ? Ang aga aga nag-eeskendalo ka dito. Hindi ka na nahiya !" pigil ngunit dama ko ang inis sa mga mata ni Nalu.

"Ako pa ? Ako pa ngayon ang nakakahiya ? Samantalang ikaw na tong sumama diyan sa babae mo. Ang kapal ng mukha mo. Ang kapal ng mukha niyong dalawa." garalgal na boses na sabi ni Lirie at masamang tinignan si Claire.

"Tumigil ka na. Wag ka ngang gumawa ng eksena dito." inis na sabi  niya kay Lirie. "..hindi ko siya babae, kaibigan ko lang siya."

Bumuga ng hangin si Lirie. "Kaibigan ? Kaibigan lang ? Eh anong gagawin niyo ngayon ? Diba aalis kayo ? Dahil birthday niya. Eenjoyin niyo ang araw dahil nga birthday niya. Iniwan mo ang asawa mo at mga anak mo sa bahay para lang idate ang babaeng sinasabi mong kaibigan mo lang. Wow Nalu, para sabihin ko sayo, hindi ako tanga." ngayon ay umiiyak na si Lirie. Naisara ko nalang ang kamao ko sa inis. Alam kong hindi kasalanan ni Nalu na mawalan siya ng ala ala pero ang ginagawa niya ngayon, talagang kasalanan na niya.

"Tumigil ka na. Umuwi ka na." talikod niya kay Lirie.

"Talagang papanindigan mo na yan ?" sigaw ulit ni Lirie.

Dumarami ang tao sa paligid at nanonood. Sanay kami sa ganoong eksena pero hindi sa ganito. Dapat ang away mag-asawa ay sa pribadong lugar pinag-uusapan. Kaya naman hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Lirie at inalalayan pero mabilis siyang pumiglas.

"Wag mong ipahiya ang sarili mo dito Lirie." pigil na boses na sabi ni Nalu. "..tumigil ka na sabi."

"HOY NALU !" biglang sumigaw si Darce na pati ako ay nagulat. ".naririnig mo ba yang sinasabi mo hah ? Ano nababaliw ka na ba talaga ? Nagagawa mong sigawan ang asawa mo sa harap ng maraming tao." nabaling ang atensyon ni Nalu kay Darce.

"Wag kang makialam dito Ainley." darn, parang nakikita ko si Ace ngayon.

Napasinghap si Darce. Tinignan ng masama si Claire pati na si Nalu. Sinenyasan niya ako na isakay na si Lirie. Si Lirie ay hindi na makausap dahil nakayuko na lang siya at panay ang hikbi. Inalalayan ko si Lirie at wala narin naman siyang nagawa dahil hindi na niya siguro alam ang gagawin niya.

Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon