YANDEL'S POV
"Sir, may naghahanap po sa inyo." ang aga aga namang istorbo nito. Si Nalu lang naman ang mang iistorbo ng ganito kaaga pero wala siya sa katinuan ngayon, sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras sa opisina ko.
"Papasukin mo nalang dito." sagot ko at hindi man lang tinignan ang sekretarya ko.
"Okay sir."
Narinig kong bumukas ang pinto ng opisina at isang pares ng paa ang naglakad. Matunog ang bawat hakbang at panigurado akong nanggagaling yung sa pares ng isteleto kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko at pinakinggan ang tunog. Hindi ako nag-abala na tumunghay pa dahil mukhang alam ko na kung sino ang papalapit.
Lumapat ang dalawang kamay sa lamesa, mapupula at matutulis na kuko ang tumambad sa aking harapan. Napakunot ang noo ko dahil sa pagsama ng aura sa paligid ko. Ano na namang ginagawa ng babaeng to dito?
"Anong kailangan mo?" sambit ko at hindi parin tumutunghay.
"Ang aga aga ang sungit mo agad." sagot niya sa malanding tono at nakakainis yun pakinggan.
"Tinatanong kita, anong kailangan mo? Marami pa akong gagawin, kung mang-gugulo ka lang dito umalis ka na, wala akong panahon sayo." ibinalik ko ang posisyon sa ginagawa ko, ngunit hindi pa man ako nakaka-umpisa ulit ay naramdaman ko na ang dulo ng daliri niya sa mukha ko.
Pilit niyang itinaas ang mukha ko patunghay sa kanya kaya naman nagkatitigan kami. Gumuhit agad ang mapang-asar na itsura sa kanyang mukha at nagbabadya ng hindi magandang iniisip. Mabilis kong iniwas ang mukha ko at sumandal sa upuan ko saka siya tinitigan ng masama.
"Ano ba talagang kailangan mo?"
Ngumuso siya ng parang bata at tuluyang umupo sa katapat na upuan. "Pinapabigay ni Daddy." inabot niya ang brown folder na tingin ko ay naglalaman ng mga papeles. "..pirmahan mo daw."
Mabilis kong kinuha ang nasa loob noon at binasa. Hindi tumagal ng ilang minuto ay pinirmahan ko kaagad at inabot pabalik sa kanya.
"Makakaalis ka na." diretso kong sabi at hindi na ulit siya tinignan.
"Bakit ba ..."
Saktong nagsasalita ay tumunog ang cellphone ko kaya hindi ko na siya pinakinggan lalo't nalaman ko na si Micah ang tumatawag. Nakita ko nalang na padabog siyang lumabas ng opisina ko at binagsak ang pinto. Tss, annoying Jadie Lee, wala na talaga siyang pag-asa.
"Yeah alright, samahan mo muna si Lirie isama mo rin si Yhno para makalaro nila Cali."
"Sunduin mo nalang kami mamaya sa bahay nila, sabay tayo umuwi."
"Yes I will, call me when you get there okay?"
"Alright. Aalis na kami."
"Take care. I love you, kiss Yhno for me."
"Okay bye."
"Hey---" ugh, hindi man lang nag-I loved you too tsk. Pasalamat siya mahal ko siya.
"Hey Yan !" biglang pumasok si Bullet sa loob ng opisina, nasa itsura ang pagkabalisa. Hanggang dito halatang dala dala niya ang problema kay Nalu.
"Ayusin mo nga yang mukha mo Bullet." walang gana kong sambit at hinintay siyang umupo sa tapat ko.
Buntong hininga siyang umupo sapo ang noo. Sumandal siya ng pahiga sa upuan bago ako tignan.
"Naiisip ko si Nalu, akala ko kapag pumunta ako dito mababawasan lalo pala nadagdagan." naging dahilan pa talaga ako.
"Edi wag ka pumunta dito !" simangot ko naman sa kanya.
"Just kidding." pilit niyang ngiti. Kahit kailan hindi talaga marunong magkunwari si Bullet.
BINABASA MO ANG
Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)
ActionMorthon University (mini-sequel)