Chapter 23

1K 45 8
                                    

A/N : Sorry inabot ng New Year ang UD ☺ BTW salamat po sa lahat ng sumusuporta parin sa Morthon until the very end. Thank you Thank you. Have a blessed 2017. Labyu all.

BULLET'S POV

"Alright. Take care okay ? No.. he's not fine of course. Jett and I will drop by later. Call me when you need anything okay ? Bye Mics. I miss you."

Hindi ko alam kung mali lang ang rinig ko o talagang tama ako. Si Micah ang kausap ni Althea sa cellphone ? Ibig sabihin...

"Kanina ka pa diyan ?" nawala ang wisyo ko sa pag-iisip nang magsalita si Althea at nakaharap na siya sakin. Kita sa mukha ang pagkagulat niya.

"Si Micah ba yung kausap mo ?" direkta kong tanong at walang paligoy ligoy.

Mabilis siyang tumalikod. "Hindi ah, paano ko naman makakausap si Micah ? Hindi ko nga siya ma-contact eh." kahit na nakatalikod ay halata sa boses niya ang pagpapalusot.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga braso, marahan ko siyang ihinarap sa akin.

"Tumingin ka nga sakin." utos ko at ginawa naman niya. "..si Micah ang kausap mo diba ?" mahinahon kong tanong at may kasamang paniniguro.

Bumuntong hininga siya. "Wala naman kaseng ibang tutulong sa kanya Bullet." sinasabi ko na nga ba.

"So alam mo nga kung nasaan siya ?" pag-uulit ko at tumango naman siya.

Inalalayan ko siya at ini-upo sa kama.

"Sabihin mo sa akin kung nasaan siya, kailangan malaman agad to ni Yandel."

"Pero...

"Althea, sabihin mo na sakin. Hindi sila magkaka-ayos hangga't hindi natin sila pagkikitain. Konting konti nalang mababaliw na si Yandel kaya kailangan natin siya tulungan. Please ? Just do it for the sake of Yhno."

Muli ay napabuntong hininga siya. "Okay. Sumama kayo samin ni Yandel mamaya, pupunta ako doon."

Bumuntong hininga ako. "Thank god, Althea." ngiti ko at hinalikan siya sa noo. "..Yandel will be so happy, Althea. Thank you." nakangiti kong sabi.

Tumango nalang si Althea at ngumiti sa akin. Niyakap niya ako na ikinagulat ko. Ilang saglit ay bumitaw siya at tinignan ako ng diretso.

"Wag mo gagawin sa akin ang ginawa ni Yandel. Please ?" may pangungusap sa mga mata na sabi niya.

Napataas naman ako ng kilay. "Why would I do that ?"

Sumimangot siya. "Malay mo, magawa mo yun. Si Yandel nga na napaka-sungit nagawa yun eh. Ikaw pa kaya na napaka-bait." mas ngumuso siya na parang bata na ikinatawa ko.

"Althea. Unang una, hindi ginusto ni Yandel yun, pangalawa hindi ko gagawin yun sayo at huling huli sa lahat hindi ko na kailangan humanap at gumawa pa ng kalokohan, takot ko lang sayo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Dapat lang no." halukipkip niya.

Muli ay napangiti ako. Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo tignan. Ang swerte ko at siya ang napangasawa ko. Kahit na sobrang hirap niya ligawan noon ay nakuha ko parin ang matamis niyang oo. Kahit na halos dumagundong ang buong bahay nila sa lakas ng sigaw niya kapag nandoon ako at dinadalaw siya ay hindi parin ako tumigil. Nakakatuwa lang at naging parte rin sila Yandel at tinulungan nila ako para lang mapasagot si Althea. Sa lahat ng nanligaw sa aming lahat ay ako ang pinaka nahirapan. Kung si Nalu, sa isang sabi niya lang at isang singsing ay nakuha niya ng ganun si Lirie, si Viahm na dinaan sa mga sasakyan ang pag-propose, si Yandel na ginamit ang party sa pagpapasagot kay Micah,  samantalang ako ay nakatanggap ng kung ano anong malakas at masasakit na salita at halos buong parte ng katawan ko ay magkasugat na, ininda ko para lang mapasagot ang babaeng to. Pero ngayon ay todo ang pasasalamat ko at siya parin ang nakatuluyan ko.

"I love you." ngiti niya at hinalikan ako.

Napa-ngiti nalang ako at niyakap siya. Ang sarap talaga mabuhay kapag ganito.

---

YANDEL'S POV

Napaiyak nalang ako nang makita ang mag-ina ko na nakatayo sa harap ko. Walang sabi sabi ay niyakap ko si Micah habang buhat niya si Yhno.

"Althea ?" nagtatakang tanong ni Micah.

"Micah, ayusin niyo na to. Isipin mo si Yhno." salita ni Althea mula sa likuran.

Bumitaw ako at hinarap siya. "Micah please ? Hayaan mo lang magpaliwanag ako. Please ?"

Bumuntong hininga siya at tinalikuran ako. Sumunod ako sa kanya. Pinahawak niya si Yhno kila Bullet at pumasok ng kwarto. Sinenyasan ako ni Bullet na sundan si Micah at ginawa ko.

Matapos ang mahabang paliwanagan ay makakasama ko ng umuwi ang mag-ina ko. Hindi man ganoon agad nawala ang galit ni Micah ay alam kong mapapatawad niya rin ako at gagawin ko ang lahat mangyari lang yun. Hindi ako titigil hangga't hindi nawawala ang galit niya. Nagkamali man ako ay sisiguraduhin ko na hindi ko na uulitin.

Lahat ng tao ay nagkakamali alam kong isa ako sa mga yon. Walang taong perpekto, lahat ng nangyayari ay may dahilan. Hindi ko man alam sa ngayon kung anong dahilan ng mga pangyayari ay alam kong balang araw malalaman ko rin at hindi ko na magagawang ulitin pa.

Todo ang pasasalamat ko kay Bullet lalo na kay Althea. Ngayon ay makakatulog na ako ng maayos at kasama ko na ulit sila Micah. Sana nga sa lalong madaling panahon ay mawala na ang galit ni Micah sa akin.

A/N : Maiksi nalang ang UD. Last 2 chaps nalang.

Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon