LIRIE'S POV
"Mommy --- wake up ! M-Mommyy !"
"Chance, don't shout out too loud you're voice is annoying."
"Then go on wake up Mommy."
Naalimpungatan akong naririnig ang boses ng mga anak ko. Pagdilat ko ay nabungaran ko sila na nasa gilid ng kama at nakatingin sa akin. Napangiti nalang ako at sila agad ang bumungad sa akin. Parehas silang napatawa nang makita akong gising na at nakatingin sa kanila.
"Mommy ! get up.. go get dress." hila sa akin ni Chance.
"Hey, be careful. You may hurt mommy's tummy." pigil naman ng kuya na si Cali.
"Oh, sorry. Sorry baby." mapagkumbaba na sabi ni Chance at hinalikan pa ang tyan ko.
"Come here." yaya ko sa kanila at niyakap ko.
Pagbitaw ay saka ko lang napansin na mga nakabihis sila at parehas pa ng suot, magkaiba lang ng kulay.
"Why are you dressed up like that huh ? Where are you going ?" taka kong tanong.
"We're going out Mommy, so get up and get dressed." pag-uulit ni Chance sa kaninang binanggit.
"You're so excited." nakangiwi naman na sabi ni Cali. We're going out ? Wala akong naaalala na aalis kami.
"You're up ?" bumukas ang pinto ng cr at lumabas ang nakatapis lang na si Nalu at katatapos lang maligo.
"Yuuccckk daddy ! You're wearing just towel on." pasigaw na sabi ni Chance at nagtakip pa ng mata.
"You're so gay." banat naman ni Cali.
Sabay nalang kami napatawa ni Nalu sa tinuran ng dalawa.
" Ibaba-ba ko muna kayo okay ? Wait for us for breakfast." utos ni Nalu sa dalawa.
Mabilis na bumaba si Chance sa kama at dumiretso ng pinto pero si Cali ay humalik pa sa akin bago bumaba. Ngayon palang ay nakikita ko na kung ano ang magiging ugali nila paglaki. Masyadong mature at malambing si Cali hindi ko alam kung kanino siya nagmana mukhang pinaglihi ko siya kay Bullet nung panahon na ipinagbubuntis ko siya. Si Chance naman ay kuhang kuha ang kalokohan at mga pustura ni Nalu, siguro ay siya na nga ang susunod na Nalu sa susunod na panahon.
Ibinaba ni Nalu ang dalawa at ilang saglit ay umakyat ulit pataas ng kwarto. Pagpasol ay nginitian niya ako saka dumiretso sa walk in closet pagkatapos magbihis ay lumabas siya at lumapit sa akin saka ako hinalikan. Saka ko lang din napansin na nakabihis siya ng pang-alis.
"Where are you going ?" tanong ko.
"You heard Chance right ? We're going out. So better get up, we're going to eat breakfast first, get dressed and we're ready to go." napakunot naman ang noo ko.
"Pero saan naman tayo pupunta ? Wala akong matandaan na pupuntahan natin."
"Masama na ba tayo umalis ngayon ? Sige na, bumaba ka na diyan excited na si Chance at nagmamadali na yun." binuhat niya ako at marahang inilapag.
Patuloy parin akong nagtataka sa kinikilos niya at nakatingin lang sa kanya. Simula nang malaman niya na buntis ako ay nagkaganyan na siya. Palagi niyang tinatanong ang gusto ko at kahit hindi pa namin alam ang kasarian ng dinadala ko ay pumipili na siya ng damit na pangbabae dahil gusto niyang babae ang maging kasunod na anak namin. Nagawa niya pang magpaturo kung paano magluto sa mga kasambahay at siya na ang gumagawa noon para sa akin. Lagi niyang kasama ang dalawa at puro pakikipaglaro ang inaatupag nila. Hindi na muna siya pumasok sa kumpanya dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin maalala ang huling aktibidad niya sa kumpanya. Hanggang ngayon naman ay tinutulungan ko siya at pinapaa-alala ang mga nangyari sa nakaraan. Gayundin ang iba, kung minsan ay pumupunta si Rhys para tulungan rin siya, ngayon ay hindi na ako masyado nahihirapan dahil unti unti narin naman umaayos ang kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)
ActionMorthon University (mini-sequel)