Chapter 6

1.3K 48 19
                                    

Dedicated to all readers 😁 And sa mga OP's na laging nandiyan para suportahan ang M.U loveyouall guys. 😚

Chapter 6

MICAH'S POV

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang litratong yun, hindi ko rin alam kung totoo yun o may naninira lang sa amin at isa pa, hindi ko kilala kung sino ang babaeng yun. Gusto kong tanungin si Yandel pero natatakot ako, gusto ko siyang komprontahin pero baka kung anong sabihin niya at hindi ko magustuhan, nag-aalala ako na baka may ibig sabihin talaga yung litrato. Ayoko masira ang pamilya namin, ayokong maghiwalay kami at ayokong mawalan ng ama ang anak ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko, naiinis ako,natatakot, nasasaktan. Naghahalo halo ang emosyon ko dahil ngayon lang nangyari to sa loob ng ilang taon naming pagsasama. Sino ba kase ang babaeng yun ? Sino siya ? Bakit niya kahalikan si Yandel sa litrato ? Bakit ?

"Hey .. stop, the rice is overflowing." muntik na akong mapatalon ng hawakan ni Yandel ang kamay ko na may hawak na sandok.

Saka ko lang napansin na punong puno na pala ng kanin ang plato na nilalagyan ko. Napatigil ako at napabitaw sa sandok at nagmamadaling inayos yun.

"I'm sorry, I'm really so---"

Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Yandel ng mahigpit, sa sobrang higpit noon ay hindi na ako makahinga.

"I'm sorry." malumanay niyang sabi habang yakap yakap ako.

"Yand.."

"Sorry." pagputol niya ulit sa sinabi ko at saka ako dahan dahang binitawan.

Tinignan ko lang siya, tinignan niya lang din ako at ngayon ay naglalaban kami ng titigan, nag-uusap sa mata na kaming dalawa lang ang nakaka-alam.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yon ng mariin. "Sorry." sabi niya ulit.

"Sorry saan ?"

"About the picture, I'm sorry. Hindi ko alam na makakarating yun sayo but I swear to god and all, wala yung litrato na yun, walang ibig sabihin yun I promise." I felt relieved, kung ganon wala nga talaga ang litrato.

"Pero sino yung babaeng yun?" yeah I want to know who's that girl.

"Si Jadie..." Jadie, sounds familiar. "..yung ex ko." nakayuko niyang sabi.

Speechless.

I'm speechless, for about seconds. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano na ulit ang iisipin ko. Yung ex niya, yung first girlfriend niya, yung unang babaeng minahal niya, yung una sa lahat lahat. Siya yung nasa litrato, pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko sa narinig ko. Napaupo ako sa upuan, punong puno ng katanungan ang isip ko, bakit, paano, saan, kailan, sino, ano.. lahat na ata ay tinatanong ng utak ko ngayon. Bigla namang umupo sa harap ko sa paluhod na posisyon si Yandel at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Hey, listen to me. Wala lang yung nakita mo okay ? Nagkita kami sa company, then she did that hindi ko alam kung paano nagkaroon ng kuha yun pero I assure you, there's nothing going on between us. NOTHING !" he seems so assured and I believed him.

Wala naman akong dapat gawin kundi maniwala at magtiwala sa kanya.

"Wala akong gagawin, wala na yung babaeng yan at pinapangako ko na hindi magkakaroon ng kung ano man ulit samin, okay ? You should trust me Micah. I love you and Yhno, no one can break us apart."

Yeah. I should trust him, like I did when we shared our vows in front of god. That's what I need now, nothing more.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon, tumayo siya at hinalikan ako sa noo. "I love you." sabi niya sa pagitan ng halik at niyakap ko naman siya.

Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon