FINAL CHAPTERDAGGER POV
"Is this really serious ? Are you really getting married ? As in right now ?" ugh, ano ba naman tong si Yandel hindi maka-get over.
"You asked that 25 times Yandel and my answer is YES ! I AM REALLY GETTING MARRIED EXACTLY 10AM today."
"Unbelievable !" iling iling na sabi ni Yandel na kulang nalang matanggal ang ulo niya sa kakailing niya.
"Kahit ako hindi ko lubusan maisip to. Paano ? Saan at Bakit ? Wala kaming ka-alam alam na kayo pala ? At ngayon ikakasal pa ?" si Gun habang nag-aayos ng damit niya.
"Actually, hindi ko rin alam." nakangising sabi ni Shadow. "..nagulat nalang ako pag-gising ko ikakasal na ako." pero halata sa ngiti niya na siya ang pinakamasayang lalaki sa araw na ito.
"Talaga lang ah ? Teka nga, paano ba talaga nangyari to hah ? Bakit kayo ikakasal ? Ano ba to Shadow ? Baka pinagloloko mo lang kami." si Rage na parang gusto na tanggalin ang damit niya.
Tumingin lang si Shadow sa amin at nagbigay ng makahulugang ngiti.
"No. I am really.. really getting married." nakangiti niyang sabi.
Nagkatinginan nalang sila Rage at nagkibit balikat.
"Yeah. Your eyes are actually telling the truth." sambit ni Viahm at tinapik ang balikat ni Shadow bago tuluyang lumabas.
Sa mga ngitian nila ay alam kong naiintindihan nila ang ibig sabihin ni Shadow. Ang mga ngiti na tanging nakaranas lang ng kasal ang makaka-alam.
Lumabas na ang lahat at tanging kami nalang ni Shadow ang natira. Muli niyang pinagmasdan ang kabuuan niya sa harap ng salamin na alam kong kahit siya ay hindi makapaniwala sa nagaganap sa araw na ito. Ang tingin niya ngayon sa salamin ay parang nanonood siya ng isang magandang palabas na siya ang bida. Wala man nakaka-alam ng buong istorya kung paano at bakit biglaan ang nangyaring kasal, alam kong masaya si Shadow ngayon.. masaya na kahit sino ay walang makakapantay.
"It is your big day Shadow." tapik ko sa balikat niya. "..congratulations." ngiti ko.
Napalingon siya at hinarap ako. "Thank you Dagger." ngiti niya.
"Eh ikaw ? Kelan mo balak magpakasal. ?" tanong niya na ikinatahimik ko.
Napayuko ako at napatawa ng mahina sa tinuran niya. "Syempre kapag nakahanap na ako ng papakasalan." sagot ko at narinig ko namang tumawa siya.
"Kung ginalingan mo lang ang pagdiskarte kay Micah edi sana kayong dalawa ang kasal ngayon." biro niya pa, hanggang ngayon hindi parin siya maka-move on. =_=
"Kahit naman galingan ko eh, kung si Yandel talaga ang gusto niya si Yandel parin ang papakasalan niya." totoo naman diba.
"Pasalamat lang si Yandel at siya ang nakita ni Micah nang gabing yun."
"Tumigil ka na nga, parang ikaw pa ang hindi mas nakakalimot diyan. It's been a years Shadow, just f*cking move on okay ?." natatawa kong sabi.
Napangiti naman siya at tinapik ako sa balikat. Pagkuwan ay nagpaalam na ako sa kanya at lumabas. Mauuna na kami sa simbahan at susunod na siya. Habang nasa sasakyan ay panay ang asaran nila, kami ni Hunter ang pinagdidiskitahan nila at tinatanong kung kelan ang kasal. Tss, bakit kaya si Paige at Rhys hindi nila tanungin.
Nang makarating kami ng simbahan ay agad na kaming pumasok sa loob at naabutan namin sila Micah na naka-abang sa bungad at hinihintay ang pagdating namin. Nakangiti kong pinasok ang simbahan kasama sila Bullet. Nagkatinginan pa kaming lahat at sabay sabay napabuntong hininga bago pumasok. Mula sa imbitasyon at hanggang ngayon na ikakasal na siya ay hindi parin kami makapaniwala. Napapatawa nalang kami sa mga bagay na pumapasok sa isip namin kung paano nangyaring naging sila. Sadya yata atang makapangyarihan at hindi maintindihan kapag nagmahal ka, may bigla biglang nadating may bigla bigla ring nawawala.
BINABASA MO ANG
Morthon University: Out of Assassin World (Book 3)
ActionMorthon University (mini-sequel)