Koneksyon.

1.7K 15 0
                                    


Isang araw, ako'y walang magawa,

Napadpad sa isang lugar at sinubukang kumawala.

Naghanap ng taong makakausap kaya't ika'y nakita,

At doon sinubukang mamalagi kahit hindi ka kilala.



Doon, ang maikling usapan ay tuluyang humaba,

Hindi alam kung bakit sayo ay nagtiwala.

Ano nga ba ang meron ka?

Bakit mula umaga hanggang gabi ay kausap kita?



Akala ko'y madali lang matatapos iyon,

Pero bakit nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon?

Hindi mapigilang mag-isip ng mga konklusyon,

Tiyak kong mas lalalim pa kapag napunta tayo doon.



Sa isa't isa'y walang obligasyon,

Ngunit, bakit ang puso ay sa isa't isa nakatuon?

Isang tagpong madalas ay nasa aking imahinasyon,

Sa wakas, nagkita at bumuo ng koneksyon.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon