Jeepney.

1.3K 9 0
                                    


Sa aking biyahe patungong paaralan,

Iba't ibang gusali ang nadaraanan.

Ngunit, sa bawat tanawin na nalalagpasan,

Ang lubos na napansin ay ikaw na nasa aking harapan.



Kinabukasan, ganoon ulit ang nangyari,

Nakasakay kita habang ako'y nagmamadali.

Tuwing nakikita ka ako'y napapangiti,

Isang pakiramdam na tila hindi ko mawari.



Isang araw, tayo'y muling nagkasabay,

Kinilig ako kasi pinauna mo akong sumakay.

Walang pakialam kung ang leeg ay mangalay,

Pagmamasdan ka kahit na ika'y walang malay.



Ngayo'y hindi na naman mapakali,

Hindi mapalis ang ngiti sa mga labi.

Nagkatinginan sa parehong gawi,

Ngunit sa isang balkonahe, imbis na sa jeepney.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon