Trapiko.

1.4K 8 0
                                    


Sa kalagitnaan ng pagkainip,

Mukha mo ang sumagi sa aking isip.

Kasabay ng malamig na hanging umiihip,

Ay mga damdaming hindi ko mapagtahip.



Sa banda roon ay mga kotseng halos magkabanggaan,

Sa bawat pag-usad ay halos walang madaanan.

Katulad ng pagmahahal ko sayo na mukhang pang walang hangganan,

Sa huli'y nabalewala at nauwi lamang sa kawalan.



Ang pagmamahalang dati'y sanggang dikit,

Ngayo'y tila ayaw ng kumapit.

Ang bewang kong dati'y iyong hinahapit,

Ngayo'y parang isang magandang panaginip na lamang na aking sinapit.



Saksi ang buong mundo,

Sa pag-ibig na ibinigay ko sa'yo.

Pag-ibig na pinaglaanan ng buong puso ko,

Ngayo'y naaalala na lamang sa gitna ng trapiko.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon