Umaasa.

1.2K 17 1
                                    


Ang puso't isip ko'y nagugulo,

Bakit ganito ang epekto mo?

Sadyang ako lang ba ang nalilito?

O ikaw 'tong nagbibigay motibo?



Lubos na nakakaramdam ng saya,

Sa bawat mabulaklak mong salita.

Puso ko'y tila nagwawala,

Sa bawat oras na kausap kita.



Hindi ko na alam ang dapat isipin,

Hindi ko na alam ang dapat gawin.

Mali ba na ito'y hilingin?

Na sana'y ikaw ay mapunta sa akin?



Ayos lang bang pamasdan ka?

Patago na lamang na mamahalin ka.

Matagal ko namang alam na,

Ako lamang itong patuloy na umaasa.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon