Nagbalik.

856 6 0
                                    


Tuwing kausap ka,

Labis na ligaya ang nadarama.

Pakiramdam na dulot mo ay kakaiba,

Nawawala sa wisyo kapag iyong mensahe'y napadala.



Ngunit sa isang iglap ay biglang naputol,

Oras ay sadyang nagahol.

Hinahanap-hanap ka ng sukdol,

Mga salitang nais sabihin ay tila nagkakabuhol.



Bakit nga ba ganoon?

Ano ba sa iyo'y mayroon?

Ano na ba ang estado ng puso ngayon,

Pagmamahal sayo'y saan nga ba paroon?



Hinahangad ang bawat halik,

Sa iyong presensya ay nasasabik.

Ang lungkot ay napalitan ng hagikhik,

Tuluyang nabuhayan ng ika'y nagbalik.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon