Duwag.

705 13 0
                                    


Matagal ko ng nais sabihin 'to,

Mga bagay na gumugulo sa isip ko.

Hindi ko na lubos mapagtanto,

Mga salitang nagpapabilis sa puso ko.



Hindi ko alam kung dapat pa ba,

Na sabihin ang aking nadarama.

May mababago pa ba?

Kung mga mata mo'y nakatuon lang sa kanya?



Sa loob ng maraming taon,

Marami ang nasayang kong pagkakataon.

Ano bang bago doon?

Takot pa rin naman ako hanggang ngayon.



Sa mga tanong mo, ako'y ilag,

"Sino bang mahal mo?", yan ang lagi mong tawag.

Maraming beses kong pinigilan ang sarili na huwag,

Ang aminin sa'yo na ikaw, kasi wala eh, isa akong duwag.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon