Para Sa'yo.

2.8K 52 0
                                    


Isip ko'y gulong-gulo at walang-wala,

Naaalala ka sa tuwing ako'y natutulala.

Ano ba'tong iyong ginagawa?

Bakit sa sistema'y hindi ka pa rin mawala?



Hindi ko lubos akalain,

Isang araw pala, magiging mahalaga ka sa akin.

Noon, lahat sinubukan kong gawin,

Para naman sana kahit papano ay makuha ang iyong pansin.



Hindi ko na alam ang gagawin,

Isip ba o puso ang diringgin?

Matagal na panahon pa ba ang kailangan kong hintayin?

Para lang masabi na habangbuhay kitang mamahalin?



Ano ba ito?

Bakit ako nagkakaganito?

Bakit itong puso ko,

Tumitibok pa rin para sa'yo.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon