Simbahan.

2.4K 11 0
                                    


Isang beses sa isang Linggo,

Madalas tayong magkatagpo.

Nakaupo ka sa bandang dulo,

Masayang kumakanta at tumutugtog ng piano.



Minsan ako'y kuntento na,

Sa malimit na pagmamasid sa iyong mukha.

Sa iyong pagtugtog at pagkanta,

Puso ko'y tila ba'y hinahalina.



Minsan nama'y nahuhuli kitang nakatingin,

Ewan ko ba kung ano ang dapat gawin.

Naiisip ko na baka ito'y hindi naman para sa'kin,

Pero hindi ko pa rin maiwasan ang kiligin.



Hindi ko lubos na maunawaan,

Bakit puso ko'y binibigyan mo ng kasiyahan.

Sapat na sakin sa malayo ika'y pagmasdan,

Sa kabilang banda sa loob ng Simbahan.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon