Pangarap.

1.1K 3 0
                                    


Sa unang beses na tayo'y magkita,

Atensyon ko ay agad mo ng nakuha.

Nais na ika'y kausapin ngunit nahihiya,

Mga damdaming hindi ko mahinuha.



Kaya naman agad na sinubukan ko,

Na magpadala ng mga mensahe sa'yo.

Hindi inakalang ang mga iyo'y sasagutin mo,

At bibigyan ng labis na galak ang aking puso.



Subalit pagpasensyahan mo na kung natagalan,

Ang mga salitang nais kong bitawan.

Siguro sadyang hindi ko lang maintindihan,

Kung ano nga ba ang tunay kong nararamdaman.



Alam ko na hindi ko maamin,

Siguro dahil nakakatakot isipin.

Na marami ang pwedeng humadlang sa atin,

Na marami pang iba diyan bukod sa akin.



Kaya naman kahit na mahirap,

Kailangan ko ng gawin ng maagap.

Mukha atang hindi ako ang taong iyong hinahanap,

Sapagkat pakakawalan na kita, ikaw na aking pangarap.

Mga Tula.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon