Chapter 2- HERO?
….@ the House
Pagkapasok sa bahay ano pa nga ba ang aasahan mo. Walang sasalubong sayo pagkadating. Walang magsasabi ng “anak kumusta ang school?” “anak kumaen kana kung hindi pa ipaghahanda kita”. Pero wala eh. Ako lang mag isa dito sa bahay. Marunong naman ako ng mga gawaing bahay. Kahit ang pagluluto at pag aasikaso sa sarili ko kahit nasa ganitong edad pa lang ako. Nasanay na din kase akong mag isa simula nung ako na mismo ang lumayo sa lahat. Hindi na ako tinanong ng mga magulang ng tungkol dito kase wala naman silang paki alam eh. At mas gusto ko din naman ito.
Ringgg..!! Ringgg..!!
Tiningnan ko yung screen kung sino ang natawag. Ang Papa ko.
Papa: Hija. Uuwe kame ng Mama mo nextweek okay? Sige bye.
Yung lang sinabi nya. Ni walang kumusta na. At hindi man lang ako pinag salita. Haiisst.
Ipapa-init ko na lang sa microwave yung pag kain na natira ko kaninang umaga. Para may makaen ako ngayong gabi. Akala mo hikahos ako noh? Hindi rin. Lahat naman ng luho binibigay nila saken. Maliban sa oras at attention nila.
……. @ The School
Nagco-commute lang ako papasok sa school. Kase nga diba ayokong malaman nila ang status ko sa buhay. pagka baba ko pa lang nakita ko na agad ang grupo nina Hiro sa labas ng gate. May inaapi na naman silang studyante. Nakakaawa naman yung studyante kase kinuha nila yung bag at itinapon dun sa bubong ng dumaan na bus at hinahabol ngayon nung na bully nila yung bus. Tapos mga tawanan pa sila. At biglang napatingin si Hiro saken. Inakupo. Siguradong malalagot ako nito.
Naglakad na lang ako ng diretso. Naka tingin lang sya. Parang may binabalak na masama. Kase naka smirk sya. Oo natatakot ako pero wala akong magagawa kase ginalit ko sya.
Wusshhh. Salamat naman. Kase nakalampas ako sa grupo nila ng hindi nila ako inaaway. Pag pasok ko sa room lahat sila nakatingin saken. Kaya naman dineretso ko na lang ang pagpasok ko sa loob at pag pasok ko nabigla ako. Kase naka paskil sa harap ng blackboard yung picture ko na halatang photoshop. Yung mukha ko na halatang stolen shot. Ini-edit nila dun sa sexy na katawan na kulang nalang ipakita ang buong kalulwa. Umupo na lang ako sa upuan ko.
“Gosh. Akala mo mahinhin.”
“Yun naman pala malandi”
“Oo nga. Ahahah. Grabe nakakahiya.”
Ang nagsalita nun. Walang iba kundi yung tatlong babaeng kikay na kahapon eh nag uusap about dun sa Hiro na iyon.
Ahh alam ko na kung sino may pakana nito. Yung Hiro na iyon. Siguro imbis na ako yung punteryahin eh ipapahiya na lang ako sa buong school.
Dumaan ang maghapon puro panlalait at panuumbat ang nadidinig ko. Sinarili ko na lang ang lahat ng mga masasakit na salita na isinusumbat nila. Grabe hindi ko na kaya. Ang sama nung Hiro na iyon. Pwede naman nya akong awayin na lang ng personal pero ginamit pa niya yung buong school eh. Nagpunta na lang ako dun sa may tagong lugar sa loob ng gym. Tamang tama wala naman tao kaya naman pwede ako ditong umiyak kahit konti lang.
Sniff* Sob* Sniff* Sob*. Ganun lang. Tahimik akong umiiyak. Singhot at hikbi lang. Ang hirap magpigil ng pag iyak. Kanina pinipigilan ko lang umiyak at masakit yun sa lalamunan.
Tapos may nadinig ako parang naglalakad. At nagulat ako nung may nagbigay saken ng panyo. Pag angat ko ng mukha hindi ko masyado nakita yung itsura nya kase medyo Malabo yung paningin ko kase hilam ako ng luha at nakataklob din yung bangs ko. Pero tinanggap ko na din yung panyo na binigay nya.
BINABASA MO ANG
The EMO and BADBOY SECRETs...
Teen FictionPaano mai-inlove ang isang tahimik sa magulo?o ang magulo sa tahimik?Posible kaya yun? Eh Tubig at langis hindi daw pwedeng pagsamahin?Try nyo kayang paglahokin sa iisang lalagyan.O diba magkasama na sila.