Chapter 6: Secret DATE!!??

108 5 0
                                        

Chapter 6: Secret DATE!!??

“Hoy gumsing ka gutom na ako”- (-___-) gusto ko pong patayin ang taong ito. Tsk.

“Gising sabi.”- niyugyog nya balikat ko. Naka pikit pa din ako. Tamad akong bumangon. Para kaseng ang sarap magpahinga pagkatapos mong lagnatin kahapon.

“Ano ba? Hoy gising. Walang magluluto ng breakfast hindi ako marunong.”- arghh. Basta na lang sya napasok sa kwarto ko. Sabing bawal pumasok eh. Kulet.

Grrrr. “Eh di kumaen ka sa labas. Nakaka inis kana.”- haist.

“Okay tarang kumaen sa labas. Tumayo ka dyan oh bubuhatin kita palabas?”-

Okay mabilis pa sa alasinco naka bangon na ako. Ang lintik na iyan. Nag smirk na naman sya. At ang kulay ng buhok..

“Oh ano ang tinitingin tingin mo dyan ha?”-

“Ano na naman ang nangyari dyan sa buhok mo? Bakit kulay Blue?”-

“Wala kang paki alam. Get up. Intayin kita sa baba.”- tapos lumabas na sya. Ughhh. Para syang boss at may ari ng bahay kung umasta. Kainis.

Naglalakad kami para maka hanap ng makakainan. Bakit ko ba sinusunod ang kapritso ng walang hiya na lalaking ito? Mmff. Biglang tumunog Cp nya.

“Oh ano kelangan nyo? Ang aga aga ahh. Hindi ako pwede may gagawin ako. Ano? Anong Date? Tigilan nyo ko.”- binaba na nya Cp. Ano daw? Date?

“Oh ano naman yun? Bakit ka nakatingin dyan?”-

=___= nag iwas na lang ako ng tingin. Lahat na lagi napapansin.

“Oh bakit? Anong meron?”- nagtaka ako kase bigla syang tumigil sa paglalakad kaya tumigil na din ako.

“F**k. Andito sila.”-

“Ha? Sinong sila.”- sinundan ko ng tingin yung tinitingnan nya. At OH mY. Andito nga sila. Yung mga kaibigan ni Hiro. Naman oh. Ayokong malaman nila ang tungkol dito. Baka mangulit pa sila sa katatanong. Kainis naman. Bigla nya akong itinulak papunta sa kaliwa.

“Uy ano ba?”-

“SShhttt. Wag kang maingay. Basta dumiretso ka lang. wag kang titingin sa sa kanila. Nakita mo naman kung sino yun diba?”-

“Oo nakita ko pero wag kang manulak.”-

Tumigil na kami at tinanaw nya kung nakita kami nung apat.

“Oh nakita ba  nila tayo?”- tanong ko sa kanya.

“Ewan. Sh*t ang talas naman ng mata ng Troy na iyan. Sinisilip niya tayo. Baka nakita tayo.”-

“Ano? Te-teka umalis na tayo dito. Ahmm. Dun, tama. Dun tayo mag punta.”- tinuro ko yung Botic ng mga damit.

“Ano? Anong gagawin naten dyan?”- naka kubli kami sa halamanan. Para kaming sira. Parang criminal na may pinagtataguan.

“Eh di magdidisguise. Magpapalit tayo ng damit para hindi sila makahalata.”- mabilis pa kami sa ninja ng makadating kami dun. At yun nag palit na kami ng damit.

Kung kanina naka black na black ako sa Leggings at long top dress, tapos naka boots. Ngayon naman naka dress ako na white. Kalahati ng hita ko ang kita. kainis no choice lang. Pero naka boots pa din ako. Astig ba? May saklob din akong nakita. Gora style na may ribbon kaya isinuot ko na. Pag labas ko sa fitting room nakita ko si Hiro. Para tuloy syang Nerd. Kung alam nyo yung porma ng pang nerd yun na iyon. At naka salamin pa. Pero infairness bagay sa kanya yung suot nya.

Nagkatinginan kami. Tapos sabay din na nag-iwas ng tingin.

“Ahmm. Ano tara na? Hindi na naman nila ako makikilala kase ang alam nila Blond pa din ang kulay ng buhok ko.”- tapos naglakad na kami palabas.

The EMO and BADBOY SECRETs...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon