Chapter 17: Hero part 2

81 4 0
                                    

Chapter 17: Hero part 2

Haist. Posible kayang inlove na ako sa kanya? Hindi rin. Imposible yun. Por que tumibok ng mabilis ang puso ko pag sya ang kausap in love na agad? Ah ewan. Titingnan ko muna kung love na talaga ito. Kase imposible talaga eh.

Atsaka pano ako agad maiinlove sa kanya eh hindi pa din ako makawala sa nakaraan ko? Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko.

“Hoy Ai.”-

=_______=

“Oh ano na namang problema mo ha?”-

“Samin ka sumabay mayang lunch ha?”-

“Ano? Eh di may nakakita naman saten. Lalo na yung mga taga hanga nyo.”-

“Wala akong paki alam sa kanila.”-

“Tsk. Hindi mo magets eh. Pag nakita nila tayo na magkasama, ako ang mapuputukan nyan. Baka ipa gulpi ako ng mga yun. Lalo na yung mga dikya.”-

“Sinong Dikya? Ah basta ako ang bahala sayo.”-

“Tsk, ikaw nga ang bahala, ako naman ang kawawa.”-

“Ano yun?”-

“Wala. Tara ng pumasok.”-

Andito na kami sa room namen. Grabe hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip nya. Gusto ba nya akong ipahamak.

Natapos na ang klase namen. Ngayon lunch na. Huuuu. Kinakabahn ako kase naman nasa labas yung dalawa nina Hiro at Aizen. Iniintay nila ako. Kaya lang andito pa yung iba kong mga classmate. Sa bagay pag lumabas ako na kasama sila may makakakita din naman.

Anong gagawin ko. Ughh. At eto pa, nagsidatingan na din yung mga dabarkads nya. Naku naman. Lalo atang gumulo ang sitwasyon ah.

“Teka bakit naman ang tagal nyang lumabas?”-

Shi*t, ang ingay talaga ni Troy. Paano na ako ngayon? Naku naman. Ayoko talagang mapahamak. Kung bakit ba naman kase naisipan ng Hiro na iyan na sumama pa ako sa kanilang mag lunch.

Tapos biglang sumilip sina Hiro sa may pinto. At Shocks, nakatingin sila saken na parang sinasabi na “Hoy bilisan mung lumabas. Inip na kame”- tsk anong gagawin ko.

Nagtinginan tuloy yung mga classmate ko sa kanila. Ikaw ba naman ang makakita ng mga gwapo na nagsama-sama sa room nyo.

Hanggang sa pumasok na sila sa loob tapos naupo sila sa paligid ko. Naku talaga. Eto na, eto na ang ikinatatakot ko. Nakuha na namen ang attention ng mga classmate ko. Lahat kase sila nakatingin na samen.

“Kyahhh. Ang grupo nina Hiro andito sa classroom naten..”- girl classmate 1

“Oo nga. Kakakilig. Pero teka bakit lahat sila andun sa tabi ni Bella?”- girl classmate 2

mmhhh. Sabi na nga ba eh. Yumuko na lang ako. Grabe. Katapusan na talaga ng tahimik kong mundo.

“Gosh. Bakit sila tumabi dun sa wirdong babae na iyon. Kakadiri kaya sya.”- girl classmate 3

“Girl may tama ka. Nakaka diri nga ang isang yan. Akala mo kung sinong sinuwerte na nadikitan lang ng mga gwapo.”- girl classmate 4

“Ang swerte ba ng babaeng yan ha? Haha. Yaan nyo na nakaka awa nga eh. Wala kaseng mapa ibig sa kanya kaya naman ngayon sigurado magpaparty yan kase natabihan sya nina Hiro.”- boy classmate 1

“Oo nga pare. Haha. Kung ako nga hindi ko nilalapitan ang babaeng wirdo na iyan baka mahawa pa ako. Sana hindi mahawa sina Hiro sa wirdong yan.”- boy classmate 2

“AHHAHAHAHA”- mga classmate ko na nasa loob ng room.

Grabe. Naka yuko lang ako nung mga sinasabi nila yun. Pwede naman nilang sabihin yun kung wala na ako. Pero talagang ipinahiya pa nila ako sa harap pa mismo nina Hiro. Buti na lang wala dito yung tatlong dikya, kung hindi baka sabon na sabon na ako.

The EMO and BADBOY SECRETs...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon