Chapter 10: Yakuza Tradition
Hiro’s POV………..
“Ano bang meron?”-
“Master Hiro. Ipapa alala ko lang sayo ang kasunduan.”-
Ibinaba ko yung Ps vita na nilalaro ko at hinarap yung katiwala ni lolo. Ang Papa ng Daddy ko.
“Kase Master nawawalan na kayo ng Oras. Sabi ng lolo nyo kelangan nyo na daw makahanap ng magiging asawa nyo o sya na daw ang pipili.”-
“Teka lang ha? Bakit ba sya nakiki alam kung sino man ang pipiliin kong maging asawa?”-
“Kase Master alam nyo naman ang Tradistion sa clan nyo diba? Kelangan mag ka fiancé na kayo para sa pamumuno ninyo.”-
“Ha!! Ano ito lokohan. Ayoko ngang mamuno dun sa pagiging Yakuza na iyan mapa Sindikato o Mafia pa iyan.”-
“Pero Master---“
“Ah basta. Kung si Daddy nga hindi nya ako pinipilit.”-
“Alam nyo po na mag ka iba ang Daddy nyo at ang lolo nyo.”-
“Alam ko. Mag ka iba silang mag ama. Magkabiligtad sa lahat ng bagay pati ugali. At ayokong maging katulad ni lolo na walang ibang inisip kundi yung pamumuno na iyon.”-
“Kung ganon. Wala na po kaming magagawa kung ayaw nyo talagang maghanap ng magiging fiancé nyo. Kami na lang po ang maghahanap ng para sa inyo,”-
“A-ano? Te-teka. Daanin na lang naten ito sa bato batopik.”-
“=________= Master. Ano ito lokohan? Nahahawa na kayo sa mga kaibigan nyo.”-
“Paki alam mo ba. Mmhh. Meron na akong Girlfriend.”-
“Ta-talaga po?”- shi*t yung itsura nya kelangan ganito talaga? O____________O
“Oo nga. Dadalhin ko sya sa bahay ni lolo. Uuwi naman sya ng pinas diba?”-
“O-opo sige po Master aalis na po ako. At ibabalita ko ito sa lolo nyo”-
May ilang minute na din syang nakaalis. Grabe ang matandang iyon naki alam pa talaga. Pati love life ko gustong paki raw rawan. Ggrrrr.
“Wala na sya. Pwede ka ng lumabas dyan sa kuta mo. Ipinain mo na nga ako eh.”-
“Ang sama mo namang anak. Hindi naman kita ipinain ah.”-
“Talaga lang ha. Kaya mo pala ako pinapunta dito sa office mo. Dad naman. Ayokong kontrolin ako ni lolo.”-
“Kilala mo ang lolo mo. Teka sabi mo may Girlfriend kana? Ibig sabihin binata na pala ang Baby Boy unico hijo ko?”-
“F***ing Sh*t Dad. Tigilan mo ako. Hindi biro yun. Sinabi ko lang yun.”-
“Pero anak kelangan may ipapakita at ihaharap ka kay Papa. Kilala mo iyon. Baka manggera yun.”-
“Alam ko. Wag ka na lang maki alam ako na ang bahala dun.”-
“Tskk. Anak ba talaga kita? Sa bagay kung itsura lang din naman magkamukha tayo parehas na gwaping pero ang ugali mukhang sa Mommy mo ikaw mana.”-
“Ewan ko sa inyo Dad. Dyan ka na nga. Teka pala, wag mong sasabihi kay lolo na on the spot ako nag ka Girlfriend ha?”-
“Your wish is my command son.”- yun ang kagandahan kay Dad. Mabait pa din sya saken kahit ganito ugali ko.
Haiisstt. Ngayon kelangan ko pang maghanap ng magiging girlfriend kuno ko. Ewan ko ba sa pamilyang kinabilangan ko. Kung bakit may ganon pang patakaran. Ang totoo nyan pure japanese ako. Parehas na myembro ng Yakuza ang pamilya ko mula sa father side at mother side. Kaya siguro ganito ako? Hindi din.
![](https://img.wattpad.com/cover/9866319-288-k275809.jpg)
BINABASA MO ANG
The EMO and BADBOY SECRETs...
Teen FictionPaano mai-inlove ang isang tahimik sa magulo?o ang magulo sa tahimik?Posible kaya yun? Eh Tubig at langis hindi daw pwedeng pagsamahin?Try nyo kayang paglahokin sa iisang lalagyan.O diba magkasama na sila.