Chapter 19: Ai (LOVE)

85 3 0
                                    

Chapter 19: Ai (LOVE)

Mmhhh..

-____o

Nakaka antok naman. Hawmmpp..

Teka ano nga pala ang nangyari? Ahh oo nga pala. Kahapon tumawag si Hiro na hindi daw muna sya uuwe tapos dinalaw ko si Pierre. At yun na nga dumating sina Mama at Papa sa bahay na nagtatalo. At nadinig ko ang katotohana kagabi. Hindi pala talaga ako anak ni Papa.

Tskk. Ano ba naman. Tutulo na naman ang luha ko.

Haisst. At dahil sa mga nalaman ko ginusto ko na din magpakamatay.

Te-teka speaking of that. Ano nga pala ang ginagawa ko dito sa kama at ka-kaninong kamay itong naka akap saken?

“Kyahhhh.!!”- bigla kong tinanggal yung kamay na iyon at pag tingin ko kung kanino yun.

“Ano ba ang ingay naman, natutulog pa ang tao eh.

Kay Hiro pala yun. Ano? Kay Hiro?

“Ho-hoy. Ikaw anong ginagawa mo dito ha?”-

“Eh di natutulog ano pa nga ba.”-

“Hindi ganon ang ibig kong sabihin. Bakit dito ka pa sa kama ko natutulog atsaka ano, atsaka……..”-

“Atsaka ano? Atsaka bakit kita pinigilan sa tangka mong paglalaslas dyan sa pulso mo?”-

“Hi-hindi iyon. Ano. Ano ang ginagawa mo dito akala ko ba—“

“Akala mo wala ako? Eh tinamad akong magpunta kina Dad kaya naman andito lang ako sa labas ng bahay kagabi.”-

“Ano? Andito ka lang sa labas ng bahay?”-

“Oo. Binantayan kaya kita. Maghapon akong nasa labas. Sinubabayan din kita. Nagpunta ka pa nga sa sementeryo eh. Tapos dumating yung mga magulang mo. Mga ilang minutes lang lumabas din sila. Atsaka nag alala ako kase parang magka away ata parents mo kaya yun pinuntahan na kita at yun na nga ang naabutan ko.”-

“Ganon ba.”- naalala ko na naman ang mga pangyayaring yun.

“Hindi ko alam kung anong tumatakbo dyan sa utak mo kung bakit mu iyon gagawin. Alam mo hindi iyon ang solusyon sa problema eh.”-

“Wala kang alam.”-

“Iyon na nga eh. Wala akong alam. Pero sana alam mo yung ginagawa mo.”-

Naka yuko lang ako habang kinaki usap sya. Hindi ko na din kase alam ang iisipin eh.

“Ano nga pala ang nangyari kagabi?”-

“Nakatulog ka habang umiiyak. Diba sinabihan na kita na wag ka ng iiyak pero kung hindi mo na kaya andito lang naman ako eh.”- pero nung sinasabi nya yun naka talikod sya saken. Ano kaya yun.

“Salamat nga pala. Siguro dala na din ng sobrang problema at pagka- depress.”-

“Mmhhh. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at hindi na din ako magtatanong pero sana naman wag mong pabayaan ang sarili mo.”- pag sabi nun bigla nalang syang umalis.

Si Hiro ba talaga iyong nagpayo saken ng ganon? Ibang klase. Sana naman magtuloy tuloy na ang kabaitan ng isang yun.

Tama sya. Hindi nga naman solusyon sa problema ang ginawa ko kagabi.

Nung una guilty ako dahil sa pag kawala ni Pierre. Tapos ngayon naman dumating pa ang isa pang problema. Kelan ba ito matatapos. Sana malampasan ko ito.

Tama kelangan ko lang sigurong maging malakas at matapang sa mga problemang darating.

Hindi ko na lang sasabihin kina Mama na alam ko na ang sekreto nila. Mas mabuti yun kesa mas lalong magulo pa ang pamilya ko.

The EMO and BADBOY SECRETs...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon