Chapter 15: Happiness to Sadness

91 4 0
                                    

Chapter 15: Happiness to Sadness

After nung new year nagpasya na kaming umuwe sa pinas. Masaya din ang mga days na iyon. Sana lang laging ganun.

“Bella ang bagal mong kumilos. Bilisan mo na kaya.”-

Tss. Kainis ang Hiro na ito. Gagawin pa akong aalay. Hindi talaga maka alis ng walang kasama. At ako pa ang naisip na isama papano na lang kung Makita kami ng mga Dikya o ng mga kaibigan nya? Eh di ninja moves na naman kami. Tsk tsk.

“Teka lang. Kukunin ko lang yung bag ko. Bakit ba kase hindi na lang ikaw ang bumili nung damit mo?”-

“Mas gusto ko kase pag iba ang pipili ng damit ko. Atsaka diba girlfriend kita kaya sasamahan mo dapat ako.”-

“Oo na, oo na.”- haisst. Heto na naman sya sa girlfriend daw nya ako. Ewan ba. Meron bang ganito? Yung naging kayo ng walang ligawan at walang mahalan? Ano ba naman yun.

“Oh akala ko ba sa mall tayo bibili?”-

“Mamaya na. Gusto ko kaseng ma experience yung ganito. Ang kumain sa mga itinutulak atsaka nung ice cream na walang brand.”-

“Wow. Naisip mo pa iyon?”-

“Oo naman. Palagay mo saken.”-

Isa na namang kakaibang HIro ang natuklasan ko ngayon ah.

“Okay sige kumain tayo ng mga street foods at dirty ice cream. Yun ang tawag dun.”-

“Ahh yun pala.”-

Kumaen kami ng ice cream. At yung mga street foods pinag isipan pang maige kung kakainin o hindi. Syempre kinonsensya ko ng konte. Kakainin din naman pala.

“Masarap din naman pala.”-

“Sus. Kung hindi pa pinilit eh. Atsaka pwede naman iyong kainin pero bawal lang ang araw araw.”-

Andito na kami sa mall. Bili dito, bili dun. At yung feeling na nakakahiya sya kasama kase naman wagas kung makapag utos sa mga sales lady.

Nag sawa na din sya pamimili. Yung mga pinamili nya eh iniwan na namen sa sasakyan nya para daw maka gala sya ng walang istorbo.

“Oh saan na tayo pupunta ngayon ha?”-

“Umupo muna tayo dito sa bench. Nakakapagod eh.”-

Pag ka upon amen may isang pamilya kaming nakita. Sa totoo lang nakaka inggit sila. Kase kumpleto sila habang namamasyal. Bigla ko na lang naalala ang parents ko. Hindi ko nadanasan ang mga pamamasyal kasama ang pamilya ko. Kahit mga kamag anak ko wala din paki alamanan. Bakit kaya sila ganon? Pag magtitipon tipon ang pamilya namen puro negosyo ang topic. At ako basta lang naka iwas sa kanila.

“Hoy dito ka lang.”-

“Ha?”-

“Sabi ko dito ka lang. Wag kang aalis.”-

Biglang tumakbo si Hiro pag kasabi nun. Ano namang problema nun?”-

Hiro’s POV………..

Napansin ko malungkot si Bella. Ano naman kayang iniisip nun. Sabagay hindi ko talaga alam ang iniisip ng isang yun. Iisa kase lagi ang expression ng mukha nun. Laging walang buhay. Pero iba kanina. Parang nalungkot nung nakita yung katabi namen ng mga tao. Siguro naalala nya yung parents nya.

Anong kaya ang maagndang gawin para hindi sya malungkot. Nakakapanibago eh.

“Hon. Ibili mo ako ng ice cream”-

“Okay hon.”

Errrr. Ganon ba ang mga mag boyfriend? Parang bata lang.

“Babe, tarang mag kantahan?”-

The EMO and BADBOY SECRETs...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon