Chapter 21: Marriage Interview
Ang dami ng nangyari kahapon ah. Yung feeling na naranasan ko na magpakasal sa taong gusto ko. Pero sana totoo lahat ng iyon. Pero alam ko din naman na hindi yun totoo at hindi iyon mangyayari.
Dahil unang una, sa aming dalawa ako lang siguro ang nagmamahal. Eh kase mukhang hindi naman ganon ang tingin nya saken eh. Kaya lang nya ako naging girlfriend dahil iyon ang sinabi nya sa lolo nya at dahil din iyon ang kabayaran sa ginawa nyang pag tulong daw saken.
At panagalawa alam kong hindi talaga kami meant to be dahil ipinagkasundo nga pala ako sa kung sino man. Siguro kung mahal din ako ni Hiro hinding hindi iyon papayag na ipakasal ako sa iba. Sigurado iyon. Gagawa iyon ng paraan kahit dumanak pa ang dugo. Kilala ko iyon eh. Ang problema mukhang hindi naman kami same ng feelings.
“Haist.”- nakaka pambuntong hininga naman. Bukas na ang marriage interview. Sana mahulog sa kanal yung mapapang asawa ko. Gezzz. Ano bang iniisip ko. Ang sama naman. Para ko na tuloy si Hiro. Pero kahit wag na syang dumating okay lang.
“Ai.”- si Hiro. Ughh. Tinawag na naman nya akong ganon.
Oo nga pala. Love nga pala ang ibig sabihin nun. Love kaya nya ako kaya ganon ang tawag nya? Shhtt. Hindi siguro.
“Hoy.! Ai. Ano ka ba, sino ba ang iniisip mo ha?”-
“Ikaw…..ehhhh. este.. Ano pala yung ano ahmmm ano nga ba. Teka iisipin ko ulet ha.”- sh*t ano ba namang dulas ng dila ko. Muntikan na sadya.
“Wag mo ng isipin abala pa iyon. Samahan mo ako mamaya ha.”-
“Ha? Saan naman?”- nilingon ko na sya. Bigla na lang tumibok ng mabilis yung puso ko nung Makita ko sya. Grabe naman ang OA ha.
Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. Ang umubig. Pero mukhang failed na naman. Katulad nung na una.
“Mamamasyal. Nakaka inip dito eh.”-
Teka. Eto na ba iyong sign na wag na akong magpunta sa marriage interview? Teka sign na naman? Well ayos din kase baka this time sinasabi ng kapalaraan na sya na nga talaga.
“Ahmm.”- (papayag ba ako o hindi? Kapag hindi, baka mawalan na ako ng chance na----
“Hoy. Ano na?”-
“Teka nga kinakausap ko pa iyong other self ko eh,”-
“Ano? Baliw ka nga talaga.”-
“Anong baliw? Ikaw naman psycho.”-
“Hoy baka ika----- “-
Ringggggg,
Bigla na lang tumunog iyong cellphone nya. Sinagot nya iyon tapos tumingin muna saken bago lumabas ng kwarto ko. Ano kayang problema ng isang iyon. May pag tingin pa saken bago lumabas. Hindi kaya ibig nyang sabihin dun eh nagpapa alam sya na lalabas muna sya ng kwarto? Wag kang assuming.
Bigla syang pumasok sa kwarto ko na akala mo ay hinahabol ng sampung kabayo.
“Aalis muna ako. Baka sa Monday na ako maka balik.“-
“Ha? Akala ko ba gusto mong mamasyal ngayon?”-
“May emergency kase. Lilipad ako pa Japan ngayon.”-
“Ganon.”- medyo nalungkot ako ah.
“Geh. Ingat ka ha?”- tapos bigla nya akong hinalikan sa noo sabay alis.
Haist. Ano ba talaga kami? Oo nga andun na iyong point na mag bf/gf kame tapos hinalikan din nya ako sa noo. Eh nasan doon iyong mahal kita. Ahh ewan. Siguro wag na nga lang akong umasa pa sa sign na iyan.

BINABASA MO ANG
The EMO and BADBOY SECRETs...
Teen FictionPaano mai-inlove ang isang tahimik sa magulo?o ang magulo sa tahimik?Posible kaya yun? Eh Tubig at langis hindi daw pwedeng pagsamahin?Try nyo kayang paglahokin sa iisang lalagyan.O diba magkasama na sila.