Chapter 23: Love Triangle?

99 6 3
                                    

Chapter 23: Love Triangle?

“Hoy Bella. Bakit ka ba basta na  lang umalis ha? At sino yung higanteng iyon ha?”-

“Jezz. Hiro hindi yun higante may pangalan yung tao.”-

Tuloy pa din ako sa pag lalakad. Hindi ko kanina namalayan nung pag labas ko ng restaurant na sumunod na pala saken ang isang ito. Teka ano nga ba ang ginagawa na naman nito dito. Akala ko ba pupunta sya sa Japan. At bakit nya alam na andito ako. Haist.

“Ah basta. Eh sa higante naman talaga iyon. Ano nga ang ginagawa mo dun ha?”-

“Teka nga.”- Timigil ako sa paglalakad at hinarap ko na sya. ”Ikaw ang dapat tanungin dito. Ano ang ginagawa mo dun sa restaurant. Akala ko ba pa Japan ka ha?”-

“Aha.! Nagtataksil ka saken.”-

=_______=  “Pwede ba yung tanong ko kaya ang sagutin mo.”-

“Eh kase nakita ka nina Troy na papunta dito sa restaurant na ito. Tumawag sila saken. As in longdistance call.”-

“Ano. Itinawag pa talaga nila iyon? Ang tsismoso talaga ng mga barkada mo. Teka eh di nasa Japan kana dapat?”-

“Oo. Actually kala-landing lang ng eroplano na sinasakyan ko nung tumawag sila.”-

“Tapos nung nalaman mo ito agad kang umuwe?”-

“Yup. So ano? Pinagtataksilan mo nga ako?”-

=____________= “Ewan ko sayo. Humingi lang sya ng tulong.”-

At iyon ikinuwento sa kanya ang eksena. Ang lahat lahat. Sabihin naman nya pinagtaksilan ko na naman daw sya. Arghh. Ang gulo talaga nya.

Pero hindi ko alam kung blessings din yung dumating saken, kase si Zell katulad ko din pala na napilitan lang. Atleast ngayon alam ko na. Kaya naman okay lang siguro na patuloy kong mahalin ang loko na ito. Pero hanggang kelan ko kaya itatago. Atsaka paano na ang drama namen? Papano kung bigla na lang nya sabihin saken na ayaw na nya akong maging girlfriend? Balik na naman ba ako sa dati? Tsk.

At eto pa talagang inuwian nya ang nalaman nyang pakikipag kita k okay Zell? Ano ang ibig sabihin nun? Nagseselos ba sya? Ayoko naman syang tanungin, baka masyado lang akong assuming.

“Ah basta. Hindi kana makiki pag lapit sa kanya.”-

“Ang kitid talaga ng kokote nito. Nasasabihan na eh.”-

“May sinasabi ka?”-

“Wala po.”-

“Mmhh. Halika na. umuwi na tayo.”- at kinaladkad nya ako papunta sa kotse nya.

Pag dating namen sa bahay madilim na. Kase naman nagugutom daw sya kaya naman ayon ang nangyari kami ang nag date. DATE? Kyahh. Nasabi ko pa talaga yun.

“Teka, bakit bukas ang ilaw sa bahay mo?”- sabi ni Hiro.

“Ha? Eh naka off lahat yung swicht ng ilaw kanina bago ako umalis ah.”-

“Wag mong sabihing may magnanakaw?”-

“At ano naman ang nakakawin sa bahay namen?”-

“Yung mga gamit nyo atsaka. Oh nooo. Baka pati picture ko nakawin din.”-

=_________= “Lakas ng hangin.”-

“Ano yun?”-

“Wala. Sabi ko tara na sa loob. Baka nalilimas na mga gamit ko.”-

Kapag nagkataon na may magnanakaw nga at nanakawan kami. I’m sure hindi man lang mag aalala sina Mama. Sarili lang naman nila ang iisipin nila eh. Tsk tsk. Ayokong maging katulad nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EMO and BADBOY SECRETs...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon