❤Encounter

500 45 6
                                    

_Her POV_

Malalilim na ang gabi ,at halos wala nang tao sa daan kung saan naroon ako,natatakot na ako bilang nalang kasi ang posteng may ilaw at hirap na din ako maglakad dahil dito sa sapatos ko.

Kung bakit kasi umalis pa ako sa party ayan tuloy naligaw ako! hay! Kainis

Sabagay kagustuhan ko din naman 'to hindi ko na kasi matagalan ang party na yun..dahil bukod sa birthday party ko yun,engagement party ko din yun.Engagement party sa lalaking hindi ko naman mahal,so I decided to ran away ganyan naman lagi ang ang ginagawa ko eh tinatakasan ko lang ang lahat ng problema ko dahil takot akong harapin ito.

Ayoko kasing nalalagay ako sa sitwasyong alanganin ako. I don't know sadyang ganyan lang talaga ang personality ko,paano ako nagkaganito? simple lang nang dahil sa dad ko.

Sadali akong tumigil sa isa sa mga posteng may ilaw para magpahinga nang biglang may lalaking tumabi sa akin at para akong nabato sa kinatatayuan ko nang inakbayan nya ako at may kung anong itinutok sa tagiliran ko sa sigurado akong kutsilyo yun sabay sabing..

"Miss HOLDAP 'TO!"

Oh sh*t no! god please help me! tell me that this is just a bad dream,a bad bad dream

"P-po? w-wag nyo po akong saktan kuya,kunin nyo na pa ang lahat ng meron ako basta wag nyo lang po akong sasaktan" nanginginig kong sinabi

"Ang dami mo pang satsat akin na!" Bahagya nyang idiniin ang kutsilyong hawak nya.

Kaya bigla akong nanginig sa takot,agad akong humarap sa kanya at dahil hindi gaanong maliwanag ang ilaw ay hindi ko nakita ang mukha niya lalo na at nakasumbrero pa siya.

Binigay ko sa kanya ang lahat ng alahas ko at maging ang lahat ng laman ng wallet ko,pagkatapos ay agad na siyang umalis at tumakbo palayo.

Nanghina naman ako dahil sa takot at panglulumo kaya napaupo ako sa sementong kinatatayuan ko

Damn it! Paano na ako ngayon? Paano ako uuwi? I didn't expect na mangyayari to

Ano ba ang pinagmulan nito at paano ako napunta sa sitwasyon ko ngayon?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon