'You're nothing without Me..' paulit-ulit kong naalala ang sinabing yan ni Dad. Simula pagkabata ko nasunod ang lahat ng gusto ko.
Ininjoy ko ang mga bagay na tinatamasa ko, yun ay dahil ang buong akala ko ay kay Mom lahat galing yun. Pero pagkatapos ng lahat ng nalaman ko ngayong araw? Hindi ko na alam kung kanino pa ako magtitiwala. You're wrong Dad,you think I am nothing without and and I can't live without all of this? I'll prove that you're wrong.
Tumayo ako sa pagkakahiga at pinanunasan ko ang luha ko. Kinuha ko ang maleta mula sa cabinet ko at isa-isa kong nilagay ang lahat ng damit dun. Hindi ako magpapakasal para sa Company ng Dad ko,kung ikasasaya nya ang bagay na yun hinding-hindi ko ibibigay ang kasiyahan na yun kahit na maghirap pa ako Mark my words Dad!
Tinignan ko kung nakabantay pa yung mga guards,at nung nakakita na ako ng pagkakataon ay tumakas na ako. Hingal na hingal akong tumakbo palabas ng Village atsaka pumara ng Taxi.
"Goodbye Mom, See you in hell Dad" matigas kong sabi habang paalis ang taxi na sinasakyan ko.
_Mrs. Oxford's POV_
Masyadong naoffend si Krishna dahil sa Dad nya,kaya pupuntahan ko sya sa kwarto nya ngayon para kausapin para naman gumaan-gaan ang loob nya kahit papaano.
"Krishna,It's me open the door" kumatok ako pero walang sumasagot Tulog na ba sya? Ang aga naman yata?
"Krishna,will you please open this door? I just want to talk to you" wala pa rin akong nakuhang sagot.
"Krishna! Please,just talk to me" nag-aalala na ako ng wala manlang akong nakuhang sagot kaya pinakuha ko na yung spare key ng kwarto nya.
Pagbukas ko ng kwarto nya nakita kong nakatalukbong sya ng kumot,kaya umupo ako ako sa tabi nya.
"Krishna, I know your father have hurt you so much but if you just give him the chance to take care of you,he wouldn't fail to do it" sabi ko sabay tap sa ulo nya. Hindi sya sumagot o kumilos manlang siguro ay masama pa rin ang loob nya.
"Krishna,please don't do this to me" wala pa rin akong nakuhang reaksyon kaya ng tanggalin ko ang kumot na nakatalukbong sa kanya nagulat ako ng unan na lang ang madatnan ko.
'Omy God! Krishna saan ka na naman nagpunta?'
_Her POV_
Ibinaba ako ng Taxi sa lugar na madami daw apartments na matitirhan,hindi ko alam kung nasaan na ako pero isa lang ang masisigurado ko ibang-iba 'to sa lugar na kinalakhan ko.
"Ah Miss pwedeng magtanong?" Tanong ko dun sa Ale.
"Sige Ineng anu ba yun?"
"Saan po ba makakahanap ng apartment na matitirhan dito?"
"Ay madami kang matitirahan dito Ineng pero kung gusto mo ng mura dyan kayna Manang Loyda ka umupa"
"Manang Loyda po? Pasensya na po sa abala pero pwede nyo po ba akong samahan doon?"
"O sige halika" sabay akay nya sa akin. Hindi ako sanay makihalubilo sa mga ganitong klase ng tao pero siguro dapat ko ng sanayin ang sarili ko lalo na't sa ganitong lugar na ako titira simula ngayon.
Habang naglalakad kami ni Ale,pansin ko na sa bawat eskinitang madadaanan namin tinitignan ako ng mga tao 'may dumi ba ako sa mukha? O may problema ba sa suot ko?'
"Pagpasensyahan mo na sila Ineng Ganyan lang talaga sila,kapag nakakakita ng bago dito lalo na at kay gandang bata mo pa naman"
"Eh? Salamat po,pero matanong ko lang po hindi po ba delikado dito? I mean yung mga tao po kasi parang.."
"Wag kang mag-alala,kahit ganyan yang mga yan mababait yan at kapag nangailangan pwedeng-pwede mo silang lapitan"
Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy na kami sa paglalakad,hanggang sa makarating kami sa apartment na sinasabi ni Ale. Apat na palapag yung building,at may tig-tatatlong kwarto sa bawat palapag.
"Manang Loyda,may bagong tenant na gustong umupa" sabi ng ale dun sa isang babaeng may edad.
"Ikaw ba yun Ija?" Tanong sa akin nung babae.
"Opo sana" sagot ko.
"May isa pang bakante sa 3rd floor,1500 ang upa 2 months advance"
"Pwede ko po bang makita?" Sinamahan nila ako sa 3rd floor para makita yung kwarto. Nakakapagod namang umakyat sa hagadanan Binuksan nung babae yung gitnang kwarto.
'Singlaki lang 'to ng kwarto ko Nilibot ko ang buong kwarto,may maliit na lababo at banyo. At may isang kama na sa tingin ko ay kasya lang ang isang tao.
"Anong tingin mo?" Tanong nya sa akin.
"Wala po bang aircon dito?"
"Ay Ija, apartment lang 'to hindi condo" mataray nyang sabi.
"Pasensya na po.."
"Kung gusto mo Ineng may isa pa kaming Electric Fan, tutal dyan lang din naman kami sa kabila nakatira ng anak ko" sabi nung ale.
"Salamat po" napangiti nalang ako.
Hayy Krishna,magbabago na talaga ang buhay mo ngayon. Ang lahat ng mga nakasanayan mo ay mag-iiba na. Ito na talaga ang bago mong buhay sa isang maliit na apartment, kaylangan mo ng matutong tumayo sa sarili mong mga paa Krishna. Kaya mo to Krishna! Kaylangan mong kayanin
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

BINABASA MO ANG
Basta HOLDAPER,Sweet LOVER ❤
Cerita PendekHer holdaper is her lover?!OMG i smell trouble!...but what if malaman mo na trinaidor ka nya mamahalin mo pa rin ba sya?o magmomove-on ka na?.. This is a story of Krishna Jewel Oxford na isang anak ng mayamang may-ari ng isang tanyag na jewelry shop...